^

PSN Showbiz

Young actress laging may bitbit na pangretoke ng ilong

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaaliw ang mga kuwento ng mga magkakaumpukang tropa ng make-up artist at stylist ng mga kilalang personalidad. May kani-kanyang anekdota sila tungkol sa mga artistang inaayusan nila.

Si Actress A ay kilalang-kilala. Yayamanin din si Actress A, kaya kumpleto siya sa mga kagamitang pang-make-up, puro branded nga ang kanyang mga pangkolorete. Hindi naman sa maarte siya, pero talagang hindi siya makapapayag na gumamit ng sponge ng make-up artist, sarili niyang sponge ang ginagamit niya para safe siya sa anumang sakit sa balat.

“Kumpleto siya sa gadgets. Wala ka nang idadagdag pa kapag siya ang inayusan mo. May sarili siyang make-up mirror, ‘yung may mga ilaw na parang sa parlor, kumpleto siya pati sa mga extension.

“Pinakaayaw niya ang paggamit ng sponge ng kahit sino, isang malaking bag nu’n ang meron siya, umiiwas kasi siyang mahawa ng skin di­sease. At tama naman siya, ginagamit din kasi ‘yun sa ibang artista, kaya hindi nga naman siya safe,” kuwento ng isang miron sa umpukan.

Si Actress B naman ay kilala rin, produkto siya ng isang reality show, bagets pa si Actress B. Ibang-iba naman ang kanyang drama sa face value niya.

“Mahilig siya sa noseliner. Alagang-alaga niya ang noseline niya kahit pa matangos naman ‘yun dahil dumaan siya sa nose enhancement. Halatado namang operado ang ilong niya.

“Kapag tumayo na siya dahil take na, e, naglalagay siya ng brown shade ng pang-make-up sa mga daliri niya. Inilalagay niya ‘yun sa thumb at middle finger niya. Security cushion niya kasi ‘yun. Palagi niyang hinihimas-himas ang noseline niya gamit ang mga daliri niyang may brown noseliner.

“Hindi siya mapapakali kapag wala ‘yun, feeling niya siguro, e, magmumukha siyang pango kapag walang noseliner. Alam niya kasi ang itsura niya nu’ng hindi pa siya nagpapa-nose job, ‘yun pa rin ang nakarehistro sa utak niya, kaya kailangang may noseliner siya palagi,” tawa nang tawang kuwento ng ikalawang source.

Ubos!

Cogie Ipinahamak ng mga kaibigan?!

Ngayong Lunes ay nakatakda nang makapagpiyansa si Cogie Domingo sa kasong kinasangkutan niya tungkol sa usapin ng droga. Pinayagan siyang makapag-post ng bail pero ang sinasabing tunay na target ng PDEA ay hindi.

Nu’ng Sabado ay sumailalim siya sa prosesong legal, in-inquest na siya, ibig sabihi’y may kailangan siyang daluhang pagdinig ng kaso para ipagtanggol ang kanyang sarili.

Sabihin man ngayon ni Cogie na set-up lang ang naganap ay nand’yan na ang asunto, sa korte na lang niya idepensa ang kanyang sarili, para mabigyan ng hustisya ang pagkakakulong niya nang ilang araw at pagkasangkot sa usapin ng droga.

Sa mga nakita naming footage at retrato ni Cogie nang masangkot siya sa raid ay walang kakupas-kupas ang kanyang kaguwapuhan, cool na cool lang siya, parang wala lang.

Kung sa kanyang itsura nga dadaanin ang paghusga ay madaling paniwalaan na nasangkot lang siya, pero kailangang patunayan ngayon ng aktor kung bakit nandu’n siya sa lugar na pinangyarihan, malaya niya namang maipagtanggol ang kanyang sarili sa pagdinig ng kaso.

Isang malaking leksiyon ito para kay Cogie Domingo na isa sa mahuhusay nating aktor, kailangan na siyang mag-ingat sa pakikipagkaibigan, dapat na siyang matutong mamili ng mga taong kakaibiganin niya.

Nakapanghihinayang lang na kung kailan pa naman siya pinagkatiwalaan ng abogado niyang ama sa pagnenegosyo ay saka pa nangyari ang ganito. Bihira nang mapanood ngayon si Cogie dahil magkatulong nilang pinatatakbo ni Attorney Rod Domingo ang kanilang business.

Mali ang kuwentong lumabas na damay rin sa hulihan ang kanyang misis na si Ria Sacasas, sumama lang ito kay Cogie sa Laguna, pero hindi ito kinasuhan.

Sana nga’y mabilis na malampasan ni Cogie Domingo ang malaking dagok na ito sa kanyang buhay. Hindi biro ang ganitong asunto, sabihin man niyang set-up lang ang naganap, kaladkad pa rin ang kanyang pangalan sa kontrobersiyal na isyu.

Problema, solusyon, leksiyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with