^

PSN Showbiz

Dennis at Jennylyn kasal na lang ang kulang

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dennis at Jennylyn kasal na lang ang kulang

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

Ang ganda naman ng balita na nag-father figure si Dennis Trillo sa anak ni Jennylyn Mercado sa family day affair sa school ni Jazz, ang anak ng kanyang girlfriend kay Patrick Garcia.

Masarap sa pakiramdam na tingnan na parang pamilya sila lalo ngayon na wala na si Mommy Lydia, ang tagapag-alaga at very close sa anak ni Jennylyn.

Siguro naman, okey kay Patrick Garcia na nandi­yan si Dennis na in fairness close na close rin sa anak nila ni Carlene Aguilar.

Mukhang responsible father si Dennis at maganda nga na kung magkatuluyan silang dalawa ni Jennylyn.

Parehong malapit ang dalawa sa kanilang mga anak kaya ngayon pa lang, nakikita natin na wala silang problema sa kanilang mga ex.

Isang sign ng maturity ang pagtanggap sa nakaraan ng mga mahal nila at good start ito para kina Dennis at Jennylyn.

Sana nga, magpakasal na sila dahil compatible na compa­tible naman sa isa’t isa sina Dennis at Jennylyn. Marami ang matutuwa kung dadalhin nila sa next level ang relasyon nila.

Fans ‘di nagpaawat, concert ni Regine kalat sa internet

Hindi rin naawat ang mga nanood ng anniversary concert ni Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena noong Sabado at Linggo.

Kahit may pralala na ipagbabawal ang mga gadget, nagtagumpay pa rin ang concertgoers na kunan ng video ang kabuuan ng concert ni Regine.

Exclusive na mapapanood sa GMA 7 ang delayed tele­cast ng R3.0 pero naglabas na ng mga napakalinaw na video ang online sites ng iba’t ibang entertainment websites at television networks kaya pre-empted ang airing ng Kapuso Network sa concert ni Regine.

Mahirap na talagang makontrol ang pagdadala ng mga tao ng gadgets sa mga concert dahil lahat na lang, nagmamay-ari ng mga camera phone.

Mga sinehan lang ang saklaw ng Republic Act No.10088 na kilala bilang Anti-Camcording Act of 2010 kaya walang parusa para sa mga nagre-record ng mga concert, kahit may exclusive television coverage ito.

Acting ni Maine lumutang

Tsamba lang ang sagot ni Maine Mendoza sa mga pumupuri sa acting niya sa Love Is…, ang movie made for TV na ipinalabas sa Eat Bulaga noong Sabado.

Marami ang ginulat ni Maine dahil natural na natural ang acting niya sa mga crying at dramatic scene nila ni Alden Richards.

Noong nag-audition siya para sa kalyeserye ng Eat Bulaga noong 2015, hindi ang lahat ng sagot ni Maine nang tanungin kung marunong siya na sumayaw at kumanta.

Eh kabaligtaran ang lahat ng sagot ni Maine dahil nadiskubre na bukod sa talent niya sa Dubsmash, mahusay rin siya na magsayaw at umarte.

Lornie wedding pinabongga

Natuloy noong Sabado ang church wedding nina Lolieta Avelino at Ernie Montaniel.

Si Lolieta ang teacher na winner sa Sugod Bahay ng Eat Bulaga. Nang malaman ni Vic Sotto na 39-years na ang relasyon nina Lolieta at Ernie bilang girlfriend-boyfriend, siya ang nag-volunteer na ipakasal sa simbahan ang dalawa at sagot ng Eat Bulaga ang lahat ng gastos.

Naganap ang kasalan nina Lolieta at Ernie sa isang simbahan sa Cubao, Quezon City.

Ang laki ng iginanda ni Lolieta dahil nagpa-make up siya sa beauty parlor ni Bambbi Fuentes. Ginanap naman ang wedding reception sa 38 Valencia Events Place na pag-aari ni Mother Lily Monteverde.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with