^

PSN Showbiz

Sexy star may video na tuma-tumbling na hubo’t hubad habang naglalangoy!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May lumutang na video kung saan ipinakikita ang isang maganda at seksing babae na langoy nang langoy nang walang pang-itaas na saplot. Sa kanyang pag-tumbling-tumbling habang lumalangoy ay nakita siyang wala na ring pang-ibabang saplot.

Lantad ang buong katawan ng babae. Malulusog ang kanyang dibdib. Kitang-kita rin ang kanyang pagkababae na maihahalintulad sa ari ng isang sanggol dahil kalbo.

Habang langoy nang langoy ang babae ay hindi man lang gumagalaw ang kanyang mga boobs. Nag-iisang komento ng mga nakapanood na ng video ay retokado ang kanyang mga dibdib.

Sabi pa ng isang source, “Madaling malaman kung retokado ang boobs, hindi ‘yun gumagalaw, hindi tulad ng hindi dumaan sa breast surgery na habang gumagalaw ang may katawan, swing din nang swing ang boobs niya.”

Mukhang totoo ang paglalarawan dahil paulit-ulit nang sumisirku-sirko sa swimming pool ang seksing dalaga ay walang kagalaw-galaw ang kanyang mga dibdib.

Sabi naman ng isa pang source, “Hindi pala kagandahang tingnan ang ari ng isang maganda at seksing girl na kalbo. Parang nakawawala ng gana. Hindi magandang tingnan ang naka-shave na ari ng babae.”

Iba-iba ang ideya ng nakapanood kung sino ang seksing babae na tinatawag na Dyesebel ngayon ng mga nakasilip na sa video.

May nagkokomento na ang naturang babae ay ang sexy actress na regular na napapanood ngayon sa isang malaking network. Magkamukhang-magkamukha kasi sila ng lumalangoy na babae.

“Sa biglang tingin, e, si ____(pangalan ng sexy star) nga ‘yun, pero kapag tinitigan mong mabuti, e, parang magkamukha lang naman sila. Parang magdadalawang-isip kang sabihin na siya nga ‘yun.

“Pero sa biglaang tingin, e, parang siya nga, pareho kasi ang bulto ng body nila, seksing-sexy talaga, ‘yun ang kinababaliwan sa kanya ng mga D.O.M., di ba?

“’Yun ang mga istoryang kumakalat tungkol sa kanya, maaga niyang natupad ang mga dreams niya dahil may karelasyon siyang milyonaryong businessman na bumili ng pabolosa niyang house at kotse.

“Nagdedenay siya, naka-loan daw ‘yun sa bank, pero wala namang naniniwala sa mga sinasabi niya,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Piolo ibabalik na lobo!

Idadagdag na rin ang karakter ni Piolo Pascual sa La Luna Sangre na pinagbibidahan ng loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nauna nang pumasok bilang dagdag sa istorya si Angel Locsin.

Parang pagbabalik ng Lobo ang mangyayari, ‘yun ang unang aklat ng mga bampira at lobo, sina Piolo at Angel ang bumida sa serye ng ABS-CBN.

Natural, parang insulto ang dating nu’n sa KathNiel, wala raw bang tiwala ang network na kayang dalhin ng kanilang mga idolo ang La Luna Sangre kaya kailangan pang ipasok sa kuwento sina Piolo at Angel?

Kayang-kaya, sabi ng mga na­ma­mahala sa serye, pero kailangan ta­lagang isama sa kuwento ang presensiya ng mga unang bida ng ideyang pinagkunan ng serye nina Daniel at Kathryn.

Nasusubaybayan namin ang serye, wala kaming masasabi sa ipinakikitang pagganap nina Daniel (Tristan) at Kathryn (Maliya), kumbaga sa mga estudyante ay dumarating sila sa classroom na nakahanda sa kanilang gagawin.

Hindi basta pagpapakilig lang ang kaya nilang gawin, malalim ang kuwento ng La Luna Sangre, pero mula sa umpisa hanggang sa dulo ng episode ay kitang-kita na malaki ang pakinabang ng network sa kanilang talento.

Walang dapat ikabahala ang mga tagasuporta ng loveteam kahit pa tambakan ng iba-ibang artista ang serye. Ang mas lulutang pa rin ay ang talento nina Daniel at Kathryn, ‘yun pa rin ang inaabangan ng manonood, dahil sa kanila pa rin namang dalawa ang ikot ng kuwento.

Dinidibdib ng magka-loveteam ang istorya ng La Luna Sangre, alam nila na kanila ang serye at hindi ang mga nadadagdag na karakter ang hinahanap ng manonood, walang dapat ikasama ng loob ang KathNiel fans kahit pa pumasok ang kahit sinong artista sa ikot ng istorya ng serye.

Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang La Luna Sangre.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with