Bea hindi pa naiisip na magpakasal kay Gerald
Rodel C. Lugo (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Nakakabilib pala si Bea Alonzo dahil sa edad na 29 ay marami na rin siyang investment na properties.

Nakausap namin si Bea sa launch ng bagong pro­ject ng Sta. Lucia Land, Inc. na La Alegria sa Negros Oc­cidental. Ito ang kauna-unahang lake community sa Silay City na mayroong 1,101 residential lots at 83 commercial lots.

Ang una nga raw investment ni Bea ay ang bahay ng mother niya sa Greenwoods sa Pasig. “I have ilang properties doon, kasi nga natuwa ako doon sa... natuwa ako na tumaas ‘yung value. Natuwa ako doon sa community. So I didn’t just get one property. Eventually I got other properties from Greenwoods also.”

Bukod pa sa ilang properties sa Greenwoods mayroon din daw siyang nabili sa Splendido na ma­tatagpuan sa Tagaytay at isa pa sa may Katipunan na parehong ang Sta. Lucia ang developer. May ilang taon na ring endorser si Bea ng Sta. Lucia dahil nga bilib siya rito.

Actually, maganda ang La Alegria dahil bukod sa itatayo ito sa tinaguriang “Paris of Negros” na mayaman sa kultura at history, maraming historical places at heritage house ang na-preserve sa Silay.

Bukod sa malapit ito sa airport at itatayong theme park, abot-kaya ang presyo dahil magsisimula sa P4,500 to P5,000 per sqm. ang presyo ng lupa kung saan mai-enjoy din ang ganda ng isang lake ayon kay Sta. Lucia President Exequiel Robles.

Back to Bea, kahit nasa marrying age na rin naman ang aktres at marami nang ipon and investments, hindi pa raw niya maisip ang settling down lalo na at ratsada pa nga naman ang showbiz career niya.

Eh si Gerald Anderson kaya na napapabalitang nagpapasaya ng kanyang puso sa kasalukuyan, nayaya na niyang kumuha ng properties? “He knows his investments. I trust that, he knows what he’s doing”, kuwento ng aktres.

“Parang wala pa kami doon sa stage na parang ‘Uy bili ka ng bahay or ano’, baka iba nang message ‘yun. ‘Di ba?,” patuloy ni Bea.

So chill-chill pa lang siguro ang level ng relationship ng dalawa. Hindi pa kaya si Gerald ang naiisip niyang ma­ging fore­ver? Baka naman talagang focused pa sila sa kani-ka­ni­lang career habang nasa kainitan pa ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with