^

PSN Showbiz

Solenn nakakaramdam ng pressure

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Solenn nakakaramdam ng pressure

Solenn Heussaff

MANILA, Philippines - Mamamaalam na ang comedy show na Hay, Bahay! ngayong Linggo na pinagbibidahan nina Vic Sotto and AiAi delas Alas.

Pero hindi naman magtatagal ay magsisimula uli ng bagong programa na sila rin ang mga bida.

Papalit sa Hay... ang nagbabalik sa ereng All-Star Videoke beginning September 3.  

Betong

Ang grand return ng musical game show is hosted by Solenn Heussaff and comedian Betong Sumaya. Sina Allan K, Arnell Ignacio, and Jaya ang dating host ng programa.

Solenn revealed that because of her love for music and singing, enthusiastic siyang simulan ang show.

“Ito talaga ‘yung first hosting gig ko sa GMA so iba ‘yung feeling kasi sobrang bongga ‘yung preparations sa lahat. Nandun ‘yung pressure but the excitement is there for me kasi I really like music and singing so dito magagawa ko talaga ‘yun,” pahayag ng Kapuso actress.

Grateful naman si Betong na finally ay magi­ging part siya ng isang programa na minsan nang paborito ng Pinoy viewers.

“Natutuwa ako kasi kami ni Solenn ‘yung pinagkatiwalaan ng GMA rito sa napakala­king project na ito. As we all know, inaabangan talaga ito ng viewers noon, ‘di ba? Sobra ‘yung excitement ko kasi following the footsteps of Allan K., Jaya and Arnell Ignacio, ang laki ng shoes to fill in so I feel blessed and challenged at the same time,” pag-amin ni Betong.

Ang labanan ay mangyayari sa six celebrity contes­tants or Videoke stars vying to outwit one a­nother by filling in the missing words on a song in a videoke-type of presentation.

‘Pag nasagutan ng tama ang word sa bawat kanta, ang ‘celebrity laglagers’ (judges) ay mamimili ng isang player na matatanggal sa competition.

The two remaining contenders will proceed in the semi-final round for a chance to play in the jackpot round. The winning contestant becomes the All Star Videoke Champ! at puwedeng mag-uwi ng cash prize of up to 100,000 pesos.

Ang All-Star Videoke ay ididirek ni Louie Ignacio. Magsisimula itong mapapanood on September 3 after 24 Oras Weekend on GMA Sunday Grande.

 

Fructuosa Alma “Neneng” Olivo

Tumutulong sa Badjao kinilalang Bayaning Pilipino

Hinirang bilang Bayaning Pilipino para sa taong 2017 si Fructuosa Alma “Neneng” Olivo, isang social worker na inilaan ang tatlong dekada ng kanyang buhay para magturo sa mga batang Badjao sa malalayong komunidad sa Davao City, sa ginanap na 14th Gawad Geny Lopez, Jr. Bayaning Pilipino Awards kamakailan sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

“Sa lahat ng naniniwala sa ginagawa ko: Simple lang naman po ito. Lahat tayo ay tinawag para maging bayani. Kaya ‘pag tayo ay nagbigay, ibigay po natin lahat sa abot ng ating makakaya,” sabi ni Neneng sa kanyang maikli ngunit madamdaming talumpati.

Ang Gawad Geny Lopez, Jr. Bayaning Pilipino Awards ay isang parangal para sa mga makabagong bayani sa loob at labas ng bansa. Binibigyang pugay nito ang mga pambihirang gawain ng mga Pinoy sa larangan ng serbisyong pampubliko.

Sa opening remarks ng ABS-CBN chairman na si Eugenio Lopez III, binigyang diin nito na taglay ng isang bayani ang determinasyon at pagmamahal para sa kanilang ginagawa upang makatulong at mapaunlad ang buhay ng iba. Para kay Lopez, ang tagumpay nila ay dulot ng maliit na pamamaraan ng paglilingkod na ginagawa nila nang buong puso.

Bukod kay Neneng, kinilala rin ang midwife na si John Mark Odani bilang Baya­ning Kabataang Pilipino para sa kanyang dedikasyon na makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa indigenous people sa Brgy. Batian sa Sarangani, habang kinilala naman na Bayaning Samahang Pilipino ang Psoriasis Philippines Online Community, Inc. (PSORPHIL) para sa adbokasiya nitong tanggalin ang stigma sa mga taong may psoriasis at para tulungan ang mga mayroon nito na labanan ang depresyon.

Nagbigay-pugay din ang Bayaning Pilipino Awards sa mga Pinoy sa North America, South Korea, at Qatar at pinarangalan ang mga makabagong bayani na gumawa pa rin ng makabuluhang bagay para sa iba bagama’t sila ay nasa ibang bansa.

Sa North America, iginawad ang Bayaning Kabataang Pilipino kay Loizza Aquino, founder ng Peace of Mind 204 na isang youth-led organization na nagsusulong ng kamalayan tungkol sa iba’t ibang mental health issues at tumutulong sa mga taong mayroong mental illness.

Wagi naman ng Bayaning Samahang Pilipino sa North America award ang Building Lives for a Better Future, isang non-profit organization na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga estudyanteng nangangailangan nito.

Panalo rin si Katherine Corteza bilang Bayaning Pilipino sa South Korea para sa paggamit niya ng kanyang boses upang talakayin ang napapanahong mga isyu gaya ng labor abuse, inequa­lity, at migration sa mga Pilipino roon, habang si Noli Perez naman ang hinirang na Bayaning Pilipino sa Qatar para sa kanyang pagsusumikap na maisalba ang ilang overseas Filipino workers sa gitna ng panganib na dulot ng labor injustice sa Middle East.

Isang special citation din ang iginawad kay Darlito Palermo ng Tagum City, Davao del Norte.

Angel Locsin

Ang gabi ng parangal ay pinangunahan nina Julius Babao, Robi Domingo, at Judy Ann Santos kasama si Angel Locsin, performers na sina KZ Tandingan, Inigo Pascual, Ylona Garcia, JK Labajo, Froilan Canlas, Voltz Vallejo, at Ogie Alcasid, at presenters na sina Nash Aguas, Alex Ilacad, Enchong Dee, Michelle Gumabao, Marielle De Leon, at Rachel Peters.

Panoorin ang 14th Gawad Geny Lopez, Jr. Bayaning Pilipino Awards ngayong Linggo (Aug. 27), 10:15 a.m. bago mag-ASAP sa ABS-CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with