Jessy Mendiola at Luis Manzano

Jessy feeling super lucky kay Luis
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 30, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - “What a lucky girl I am,” pag-amin ni Jessy Mendiola tungkol kay Luis Manzano.

Truly naman na lucky si Jessy kung totoong any moment ay magpo-propose na raw si Luis sa girlfriend na actress.

Yup, sa simbahan na nga raw ang tuloy ng kanilang relasyon ayon sa bulung-bulu­ngan.

Open na open na sina Luis and Jessy tungkol sa level ng seriousness ng kanilang relasyon.

Marian Rivera at Dra. Vicki Belo

Marian pinagmasdan ang singsing ni Dr. Belo

Ang cute ng photo nina Dra. Vicki Belo and Marian Rivera habang tinitingnan ni Marian ang singsing ng ikakasal uling doktora. “I’m so excited for your upcoming wedding ninang @victoria_belo! Gracias for my #BeloThermage treatment!,” sabi ni YanYan na kaka-launch lang bilang endorser Snow Crystal White Tomato.

Sa Instagram account naman ni Dra. Belo ay ito ang caption niya sa nasabing picture: “It’s such a fun girly thing to do. Thank you @dochayden for giving me such a beautiful ring . I will wear it always.”

Kasama sina Marian at Dingdong Dantes with Zia sa mga lilipad ng Paris sa kasal nina Dra. Vicki and Dr. Hayden. Magiging flower girl si Zia.

 

Donita Rose

Donita gusto na uling magka-lovelife

Balik-primetime si Donita Rose beginning A­ugust until October.

Pero this time magluluto siya ng mga easy-to-follow and heart-friendly Filipino recipes courtesy of Jolly Heart Mate Canola Oil sa isang cooking capsule show na #HeartMateKitchen.

Eere ito in between commercial gaps of Unang Hirit, Kapuso Festival, and Sarap Diva.

Isa sa well-trained celebrity chefs who has honed her skills abroad, goal ni Donita sa programa na ibahagi ang kanyang personal all-time favorite Pinoy comfort food dishes. 

“The various recipes I’ve featured in each episode also speaks about simple Filipino recipes that anyone can whip up at home, especially if there’s a Jolly Heart Mate Canola Oil that perfectly suits all kinds of cooking techniques. From sautéing to deep fry, from desserts to sauces and dressing-- the possibilities are endless!” said the Heart Mate Kitchen chef.

Makakasama rin niya ang ibang Kapuso stars sa pagluluto.

Anyway, loveless ngayon si Donita at nabanggit niya sa mga interview na handa na siyang mag-entertain ng mga manliligaw. Kaya lang wala pa raw namang manliligaw. So paging, naghahanap ng manliligaw si Donita. Annulled na siya sa asawang si Eric Villarama last year pa. Pero kaila­ngan niya ring kumuha ng annulment sa bansa bilang isa na siyang Filipino citizen.                                         

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with