^

PSN Showbiz

Tom at Carla tsika-tsika na rin sa executive ng Hermes!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Tom at Carla tsika-tsika na rin sa executive ng Hermes!

Tom Rodriguez at Carla Abellana

Nasa European vacation pa rin sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, kaya wala sila sa pilot ng rom-com mini-series nilang I Heart Davao kahapon. Sa Instagram (IG) post ni Michael Coste ng Hermes, binati niya ang dalawa.

“So happy to welcome two of the most famous celebrities from #Philippines today at #Hermes: Enjoy Paris.” Sumagot si Tom ng “Our endless thanks once again! You were far too kind!:).”

Ni-like ni Heart Evangelista ang post at matatandaang una nitong nakilala at naging kaibigan si Michael Coste. Hindi ipinost nina Tom at Carla sa IG ang picture nila with Michael Coste.

Habang nasa ibang bansa, may magandang balitang dumating kay Tom at ito ay ang pagiging nominado niya as Best Lead Actor in a Foreign Language Feature Film sa 2017 Madrid International Film Festival para sa pelikulang Magtangol. Nominated si Yam Concepcion na Best Lead Actress at ang director na si Sigfreid Barros Sanchez as Best Director of a Foreign Language Feature Film.

Sa July 8-15 ang film festival at puwedeng dumalo si Tom dahil tapos na ang taping nila ni Carla sa I Heart Davao.

Ken apo raw ni Mother Lily!

This Wednesday ang schedule ng storycon ng pelikula sa Regal Entertainment na pagtatambalan nina Barbie Forteza at Ken Chan. May title na This Time I’ll Be Sweeter at kung walang magi­ging problema, sa June 30 na sisimulan ni director Joel Lamangan ang shooting.

Rom-com na may konting drama raw ang tema ng pelikula nina Barbie at Ken at para walang problema sa promotion, puro talents ng Kapuso Network ang kasama sa cast.

Nakakatawa lang ang tsika na kaya gagawa ng pelikula sa Regal Entertainment si Ken dahil apo siya ni Mother Lily Monteverde. Saan galing ang isyung ito? Kung apo ni Mother Lily si Ken dapat noon pa siya binigyan ng pelikula ng lady producer.

Si Barbie ang kinontrata for two movies ng Regal at nagkataon na ang first movie niya ay si Ken ang partner. May isa pang pelikula siyang gagawin, malay natin at isa kina Ivan Dorschner, Addy Raj, at Jak Roberto na leading men din ni Barbie sa Meant To Be ang ipareha sa kanya? May binanggit nang pangalan na itatambal kay Barbie sa second movie niya sa Regal, malay n’yo at magbago ang plano.

Tanggap ng fans nina Barbie at Ken na for reel lang ang love team nila, kaya sana hindi maging isyu sa fans ng ka-“real” love team ng aktres.

TV host na maanghang mag-comment pinalipad ng america?!

Nagbabakasyon lang pala sa Amerika ang isang TV host at hindi siya suspended dahil may comment na patungkol sa isang malaking tao sa gobyerno. Ilang araw kasing hindi napapanood ang TV host pagkatapos ng sabi’y “distasteful” comment niya at inakalang sinuspinde siya sa show.

Ibig sabihin, muling mapapanood ang TV host pagbalik niya sa bakasyon. Ang payo ng kanyang fans, maging careful na siya next time dahil baka sa susunod na magko-comment siya ng hindi maganda, tuluyan na siyang alisin sa show.

Hindi nito mapigil na mag-comment na nakaka-offend minsan. Ilang artista na ang biktima ng body sha­ming joke ng TV host na ito.

Manananggal ni Ryza lalaban sa abroad

Agad ipinost ni Ryza Cenon ang poster ng pelikula niyang Ang Mana­nanggal Sa Unit 23B nang malaman sa producer ng movie na si Jun Lana na magku-compete sa isang A-List film festival ang pelikula. Hindi binanggit ni director Jun kung ano’ng international film festival ito.

Ang sabi lang ni direk Jun, “Excited for the world to see this new version of #amu23b.” Nag-post din si Ryza ng “So blessed. Thank you Lord and Congrats sa lahat.”

Samantala, kahit ang Viva Artists Agency na ang nagma-manage kay Ryza, patuloy pa rin siyang napapanood sa Ika-6 Na Utos. Nilinaw na ni Gigi Santiago-Lara na tuloy pa rin ang paglabas ng aktres sa show kahit wala na ito sa GMA Artist Center.

Kaya hindi totoo na kaya ipinasok si Angelika dela Cruz ay para ma­ging kapalit ni Ryza. May koneksyon ang mga karakter nilang sina Geneva (Angelika) at Georgia (Ryza), kaya mahirap kung aalisin ang huli.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with