Daniel mas pinili si Kathryn kesa mag-Bora kasama ang pamilya
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2017 - 12:00am

Nagbukas kahapon ang Can’t Help Falling In Love sa 300 theaters. Ang ba­lita, pinag-agawan ng theatre owners ang sho­wing ng Star Cinema movie tampok ang love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa Vista Mall cinemas at SM ci­nemas, 9 a.m., at 10 a.m. ay bukas na sila.

Nakapagpahinga ang magka-love team sa nag­daang Holy Week at magkasama sila sa Pradera Verde with their respective families. Ang tsika, kinan­sela ni Daniel ang pagpunta sa Boracay to be with Kathryn at tiyak, magkasama rin sila sa birthday ng binata sa April 26. Best birthday gift kay Daniel ang showing ng movie nila.

“Wala na akong mahihiling pa. Sobrang blessed na kami sa sunud-sunod na magandang nangyayari sa amin. Sa mall show, ang daming tao, grabe ang pagtanggap sa amin ng tao, very excited na. Napagod kami gawin ang movie, pero ang mainit na suporta ng tao ang kapalit,” sabi ni Daniel.

Siniguro ni director Mae Cruz-Alviar na ibang Daniel at Kathryn ang mapapanood ng kanilang fans sa Can’t Help Falling In Love. Nag-level up na ang acting ng dalawa, “They’re acting their age. Rom-com ang movie, pero hindi pang-bagets,” wika ni direk Mae.

Nakatulong din na bago ang shooting, nag-dinner sina direk Mae with the scriptwriters, Daniel and Kathryn at nagpalitan ng opinion.

Friendship nina Nadine at Kiana hindi natibag ng bashers

To the rescue si Gary Valenciano sa basher ng anak na si Kiana Valenciano at nabasa ang series of tweet ni Gary na sinimulan ng “@KianaVee let people say what they want to say. I’ll be around for you always, me and your mom and brothers”.

Sinundan ito ng “@KianaVee...and they may never experience love at all. But you have such love in your heart my daughter that blesses those who encounter u”, “Sad to say but some people may have never experience anything remotely close to the kind of love may have for you”, at “@KianaVee no matter what words are used against you...and no matter how hurtful, know that I love you KIANA...no matter what. I love you.”

Nabasa rin namin ang tweets ni Angeli Valenciano tungkol sa isyu. “I’ve read many against my daughter. Like they know her so well. Did you know that my kids were bullied most of their lives? My daughter doesn’t use other people to become famous because she doesn’t need to do that. She ran away from the limelight for so many years. So to people who said they would unfollow her or delete her song, do so! It’s your loss not hers. She loves her friends & they love her.”

Inakusahan kasi si Kiana ng isang nagpakilalang fan nina James Reid at Nadine Lustre (na pinabulaanan ng isang JaDine fan) na ginagamit ni Kiana ang friendship kina James at Nadine para sumikat. Pati hitsura ni Kiana ay pinakialaman na at maging ang BF nitong si Sam Concepcion.

Basag lang si basher dahil hindi naapektuhan ang friendship nina Nadine at Kiana.

Cast ng Encantadia nagkagulatan sa Japan

Nagkita-kita sa Japan ang ilang cast ng Encantadia na sina Glaiza de Castro, Diana Zubiri, Mikee Quintos, Solenn Heussaff kasama ang mister na si Nico Bolzico. Nasa Japan din ang director ng fantaserye na si Mark Reyes at wala pang balita sa social media kung nagkita sila ng kanyang mga artista.

Sina Pancho Magno na isa rin sa cast ng Encantadia, ay sa Paris naman nag-Holy Week.

Samantala, sa May 12 na lilipad patungong Canada sina Rocco Nacino at Sanya Lopez for a show. Susundan ito ng isa pang show sa Toronto sa July.

Anyway, bagong pasok sa Encantadia si Valeen Montenegro bilang si Bathalumang Haliya. Ang karakter daw ni Valeen ang isa sa mga tutulong kay Emre (Zoren Legaspi) para naman matulungan ang Lireo at ang mga Sang’gre.

1st Sem movie positibo ang rebyu

Parehong Chinese at Yu ang family name nina Darwin at Sachie, ang magka-love team sa 1st Sem, pero hindi sila magkamag-anak. Kung relatives ang dalawa, hindi papayag sina  Sachie at Darwin sa eksenang hinawakan ng binata ang isang boobs ng dalaga, kahit funny at hindi malaswa ang eksena.

Ang ganda ng pelikula mula sa direction nina Alan Michael Ibanez at Dexter at silang dalawa rin ang producers ng nasabing pelikulaPositive ang reviews na nababasa namin, at ang huhusay daw ng cast mula kina Lotlot de Leon at Allan Paule hanggang kina Darwin, Sachie, Sebastian Vargas, at Miguel Bagtas.

Contender sa Worldfest Houston International Film Festival ang pelikula and we’re ho­ping na manalo ito ng award. Sa All Lights India International Film Festival naman ay nabigyan ng Special Acting Citation award si Lotlot from the same movie.

DANIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with