^

PSN Showbiz

Benjamin napagkamalang taong grasa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Mahusay ang nag-make up kay Benjamin Alves dahil para talaga siyang taong grasa nang makita namin sa last taping day ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Hindi namin siya nakilala at kung hindi pa bumati sa mga reporter ay hindi namin malalamang siya pala ito.

Hindi rin siya nakilala ng guard ng GMA-7 nang pumasok sandali dahil sa harap lang ng network ang taping. Binati pa niya ang guard at tuluy-tuloy pumasok sa loob nang hindi hinintay ang PA. Hahabulin na sana siya ng guard para palabasin, mabuti na lang at nasa likod nito ang PA ng aktor at sinabing artista ang pumasok.

Hindi rin nakilala si Benjamin ng mga nakakita sa kanya na nakaupo sa gilid ng GMA annex habang naghihintay ng take ni direk Gina Alajar. Iniwasan pa nga siya ng mga tao at kundi pa nakitang may camera, hindi malalamang may taping.

Buhay ang karakter ni Benjamin na si Ephraim at nagpapasalamat ito sa viewers na nag-tweet at tinag ang GMA-7 para i-request na ‘wag patayin ang karakter niya.

Nakinig ang production sa hiling ng viewers at binuhay si Ephraim, kaya happy ang ending nila ni Santina (Julie Anne San Jose) sa pagtatapos ng soap sa April 12.

Jake walang alam sa pagbabalik GMA

Nag-react ng “What you’re talking about. I have no idea,” si Jake Cuenca nang tanungin ng isa niyang fan kung totoong papasok siya sa Meant To Be. May nag-welcome na nga kay Jake sa pagbabalik-Kapuso raw niya, pero malabong mangyari ito dahil may contract siya sa ABS-CBN.

Isa pang malabo sa balitang ito kahit isa raw sa cast member ng Meant To Be ang nag-tsika via IG (Instagram) story, kung babalik man sa GMA-7 si Jake, hindi papayag ang manager nito at ang Star Magic na guest lang siya sa rom-com series.

Clueless din ang isang bossing ng network nang tanungin kung totoong makakasama si Jake sa cast ng rom com-series na pinagbibidahan ni Barbie Forteza. Wala raw siyang alam sa kumalat na balita.

Totoong may madadagdag sa cast ng Meant To Be at apat sila. Wala rin si Jake sa mga pangalang nabasa namin. Ang bagong dagdag sa cast ay sina Vince Vandorpe, Dave Bornea, Carl Cervantes, at Matthias Rhoads. Si Matthias ang groom sa Jollibee TVC na nagpaiyak sa tao.

 Ang dinig namin, sila ang business rival ng grupo nina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Jak Roberto. Magtatayo sila ng sports bar sa harap mismo ng JEYA Sports Bar.

Anyway, may thanksgiving mall show ang cast ng Meant To Be, 5 p.m., bukas sa Market! Market! Pasasalamat ito sa mataas na rating ng show.

Present din dito sina Manilyn Reynes, Tina Paner, Keempee de Leon, Sef Cadayona, Mika dela Cruz, Stephanie Sol, Tess Bomb, at Sheryl Cruz.

Bitoy dadalhin ang pamilya sa Hawaii

Bongga si Michael V dahil sa Hawaii dadalhin ang pamilya sa Holy Week para magbakasyon. First time yata nina Michael V sa Hawaii, kaya excited at looking forward sila ng kanyang pamilya sa pupuntahang tourist spots ng US state.

Nag-advance taping si Michael ng Pepito Mana­loto para walang sagabal sa bakasyon nila. This Satur­day, ang controversial na si Gabby Concepcion ang isa sa mga guest ng show kasama sina Sheree, Jeric Gonzales, at Thea Tolentino.

Malayo pa ang tatakbuhin ng Pepito Manaloto na in all fairness ay laging may bagong ipinapakita sa manonood. Ang maganda pa, every episode ay may aral na sine-share sa viewers.

Sunshine abot sa Singapore ang paghihiganti!

Lumipad pa-Singapore si Sunshine Dizon dahil may ilang eksena ng Ika-6 Na Utos ang kukunan sa Lion City. Excited na ang mga kababayan natin doon na makita ang isa sa mga bida ng Afternoon Prime na hanggang sa ibang bansa, pinag-uusapan at sinusubaybayan.

Kaya lang, parang hindi si Gabby Concepcion ang nakasama ni Sunshine sa Singapore, si Mike Tan dahil ang karakter nitong si Angelo ay sa Singapore magpapagamot. Sasamahan siya ni Emma (Sunshine). Pero malay natin at maiba ang istorya at sina Rome (Gabby) at Emma ang pumunta ng Singapore.

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with