^

PSN Showbiz

Aktres bad trip ‘pag pinag-uusapan ang nanay na kapangalan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kabisado na ng mga taong malapit sa kanya kung ano ang makapagpapasira sa buhay ng isang popular na female personality. Para hindi masira ang kanyang araw ay isa lang ang dapat gawin ng kanyang mga kaibigan—ang huwag nang itanong sa kanya kung nagkaayos na ba sila ng kanyang ina.

?‘Yun lang naman, wala nang iba pa, puwede siyang tanungin tungkol sa kahit sino at sa kahit ano nang nakangiti siya. Pero kapag ang kanyang ina na ang paksa ay asahan na ang kanyang pagsimangot nang bonggang-bongga.

?Napakalalim na nga ng hindi nila pagkakaunawaan, parang puwede nang mabuhay ang female personality na wala ang kanyang ina sa kamalayan niya, hanggang forever na nga siguro ang matinding gap nila.

?Marami nang nagtangkang dugtungan ang kanilang relasyon, pero lahat ay nabibigo, may isa ngang sikat na male personality na nagpapabati sa kanila pero umuwi rin itong luhaan.

?“Malabo na silang magkasundo. Sobrang dami na rin naman kasi ng masasakit na salitang ipinakain sa kanya ng mommy niya. Natatandaan niyang lahat ‘yun.

?“Kapag naiisip nga ‘yun ng girl, e, bigla na lang siyang naluluha. Pero nu’n ‘yun, ha? Nu’n pa, pero ngayon, e, dedma na lang siya sa lahat!” kuwento ng aming source.

?Kahit ang mga nakatatandang kapatid ng aktres ay gumawa na rin ng paraan para magkaayos silang mag-ina, pero wala pa rin, pinatigas na ng panahon ang puso ng female personality.

?“Kung gusto mong sirain ang maghapon niya, e, isa lang ang dapat mong gawin, kumustahin mo ang mommy niya at ‘yun na ‘yun! Bigla nang magbabago ang energy niya!

?“Ang nakakatawa lang, kapag kinakausap ng girl ang mga kasambahay niya, e, bigla niyang naaalala ang mommy niya. Magkakapangalan kasi sila! Kaya kapag may iniuutos siya sa mga maids niya, e, darling ang ginagamit niyang salita.

?“Sabi nga ng mga miron, kahit pa nakahiga na siya sa salapi ngayon, e, hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya dahil sa matindi nilang gap ng mommy niya,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

?Ubos!

Northern Lights nina Piolo at Yen pinupuri pero pinanghihinayangan

Ang dami-dami naming tinatanggap na hindi kagandahang kuwento tungkol sa pelikulang pinagbidahan nina Piolo Pascual at Yen Santos. Kumbaga sa karihan ay matumal ang benta ng kanilang produkto.

?Nakapanghihinayang dahil gumastos nang malaki ang produksiyon para sa pelikula, kinailangan nilang mag-shooting sa ibang bansa para makapaghain sila ng bago sa publiko, pero mukhang mailap na ang boxoffice ngayon sa guwapong aktor.

?Nakaapekto kaya ang pinagpistahan nilang retrato-video ng kanyang anak na si Inigo sa hindi gaanong pagsuporta ng ating mga kababayan sa pinakahuli niyang pelikula?

?Hindi naman puwedeng nakulangan ang manonood sa pelikula, bagung-bago ang tema nu’n kung tutuusin, napakaganda ng mga eksena at makabuluhan ang kuwento ng pelikula.

?Pana-panahon nga lang ‘yan. Nu’n naman ay panalung-panalo ang mga proyekto ng papa ng bayan, pareho silang nabiyayaan ni Judy Ann Santos ng suwerte, kahit anong klase ng pelikula ang gawin nila bilang magka-loveteam ay nakakahon na ang tagumpay nu’n.

?Komento naman ng kaibigan naming propesor, “Bitbit naman kasi ni Piolo ang bigat ng movie. Siya ang mayhawak ng responsibilidad na pakitain ‘yun.

?“Maliit na artista pa rin si Yen Santos. Sana, binigyan siya ng leading lady na makakasabay niya sa pagdadala ng pelikula. Maganda ang movie, parang travelogue nga ‘yun, parang narating na rin ng moviegoers ang location nila.

?“But Piolo alone can’t make it happen. Kailangang may kasama siyang big star para ibenta ang project. Hindi si Yen ang tamang leading lady for Piolo.

?“Nakakapanghinayang lang dahil pinaghirapan nila ang pelikula, ginastusan ng production ang movie, pero kapag nanood ka, e, bilang na bilang ang mga nanonood.

?“Sayang, maganda pa naman ang movie, pati ang kuwento, maayos din ang pagkakabuo. Sayang na sayang talaga,” komento pa ni propesor.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with