Arci binawalang mag-boyfriend ng 6 months
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 23, 2017 - 12:00am

May mga nagsasabi na posibleng magkaroon ng espes­yal na ugnayan sina Arci Muñoz at Daniel Matsunaga sa programang I Can Do That. Matatandaang nagkahiwalay si Arci at isang non-showbiz guy at nagkahiwalay na rin sina Daniel at Erich Gonzales kamakailan kaya parehong single ang dalawa ngayon.

Para kay Arci ay hindi raw dapat lagyan ng malisya ang pagiging malapit nila ni Daniel sa isa’t isa dahil nagtatrabaho lamang  sila para sa nasabing programa. “Meron kaming kontrata na pinirmahan, na hindi kami pwede pumasok sa isang relasyon starting March 10. Kailangan six months kaming single. Apat kaming pumirma doon. Kasama po si Dandan, kaya hindi po kami pwede talaga,” pagbabahagi ni Arci.

Nagbuo na rin ang mga tagahanga ng dalawa ng ‘Dar-Ci’ na siyang tawag sa tambalan nina Arci at Daniel.

Ayon sa aktres ay hindi pa siya nakahandang makipagrelasyon muli. “Siguro sign ni God din ito na dapat mag-concentrate muna ako sa mas importanteng mga bagay. Hindi pa muna ako ready,” giit ng dalaga.

Samantala, may ilang online bashers na nagsasabing ginagamit lamang diumano ni Arci ang tungkol sa hiwalayan nila ng dating kasintahan upang pag-usapan ang bagong programa. “Wala akong pakialam sa kanila. Hindi ako nagbabasa ng mga comments. I’m going to live my life the way I want to,” giit ng aktres.

Loisa natatakot kay Sharon

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Loisa Andalio sa pagkakapili sa kanya upang i-revive ang kanta ni Sharon Cuneta na High School Life na pinasikat ng Megastar noong dekada 80’s. “Kasi ayokong may masabi sa akin ang mga tao doon sa kanta. Kasi ‘di ba ang nag-revive lang ng kanta niya si Kathryn (Bernardo) and si Janella (Salvador). Hindi ko alam, takot ako. Ano kayang sasabihin niya (Sharon),” nakangiting bungad ni Loisa.

Hindi raw inakala ng dalaga na mabibigyan siya ng pagkakataon na kantahin ang isang sikat na kanta katulad nito. “Itong single na ito binigyan nila  ako ng sobrang biglaan lang. ‘Loisa, may ganito ah, may single kang gagawin, next week mo na ire-record.’ Tapos may music video na rin, tapos sunod-sunod na. Ang bilis pero ang saya-saya,” kwento ni Loisa.

Nagpaplano ang aktres na magpakilala nang personal kay Sharon at bigyan pa ng mga bulaklak ang Megastar kapag may pagkakataon. “Gusto ko nga siyang bigyan ng flowers para magpakilala lang ako. ‘Hi! Ako po si Loisa Andalio.’ And ‘yun nga ni-revive ko ang kanta niya. Ginalingan ko naman, binigay ko naman ang best ko sa pag-record ng kanta,” dagdag pa ng baguhang aktres.

Bukod sa pagkakaroon ng single ay pinaghahandaan na rin ni Loisa ngayon ang birthday concert na gaganapin sa Music Museum sa April 29. May titulo itong Loisa 18: A Birthday Concert.   

ARCI MUñOZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with