^

PSN Showbiz

Tom at Lovi may patagong sulat para magkausap!

Pilipino Star Ngayon

Ngayong Sabado (Feb. 25), bilang pagdiriwang ng EDSA People Power Anniversary at bahagi na rin ng ikaapat na anibersaryo ng Wagas, isang natatanging kuwento ng pag-ibig at pakikibaka ang handog ng GMA News TV show tampok sina versatile Kapuso actor Tom Rodriguez at Kapuso Premier actress Lovi Poe. Bibigyang-buhay nina Tom at Lovi ang love story ng activist couple na sina Satur Ocampo at Bobbie Malay.

Umusbong noong panahon ng Martial Law ang pag-iibigan ng mamamahayag at aktibistang sina Satur (Tom) at Bobbie (Lovi). Hindi nila akalaing ang parehong adhikain para ipaglaban ang kanilang bayan ang magiging daan upang mahanap nila ang taong magiging katuwang nila habang buhay. Sa gitna ng panganib at kaguluhan, makakatagpo sila ng mapayapang kanlungan sa isa’t isa.

Isa si Satur sa mga nadakip, ikinulong, at walang awang tinorture noong panahon ng Batas Militar. Siyam na taon siyang pinahirapan sa loob ng piitan. Halos ikamatay niya ang pagkawalay kay Bobbie at sa kanyang pamilya. Ang naging tanging paraan ng komunikasyon nila ay mga patagong sulat o ‘coded letters’. At nang dumating sa puntong akala nila’y mabubuo na ang kanilang pamilya at tapos na ang mahabang taon ng pagpapahirap at pagtitiis, hindi naman nagtagal ay sabay silang nahuli at parehong ikinulong sa mga kasong hindi  nila ginawa.

Ilan lamang ito sa mga eksenang pupukaw ng damdamin at magpapa-alab ng pagmamahal ng manunuod hindi lamang para sa taong itinitibok ng kanilang puso kundi para rin sa bayan.

Abangan ang huling pasabog ng Wagas para sa ika-apat na anibersaryo ng programa ngayong Sabado, 7 p.m. sa GMA News TV.

vuukle comment

EDSA PEOPLE POWER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with