^

PSN Showbiz

Mark tumiklop sa bashers!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi na ma-access ang Instagram (IG) account ni Mark Herras after nitong mag-beast mode dahil sa isyung buntis ang GF na si Winwyn Marquez kaya nag-propose siya rito habang nasa bakasyon sila sa Japan at mapapadali ang kanilang kasal. Nagalit si Mark dahil nahiya sa pa­rents ng nobya at sinabing magpapaalam muna siya sa magulang ni Winwyn bago siya mag-propose.

Siguradong ang isa pang ikinagalit ni Mark ay ang pagbintangan siyang si Winwyn at hindi siya ang gumastos sa Japan vacation nila. Sa halip na magalit pa at sagutin isa-isa ang bashers, dineactivate muna nito ang kanyang IG account. In this way, iwas bash siya at iwas pa sa kanya ang magalit at ma-high blood.

Sobrang unfair nga naman ang akusasyon kay Mark dahil may pera ito at sunud-sunod ang shows. Katatapos lang ng Sa Piling Ni Nanay pero nasa cast siya ng bagong afternoon soap na D’ Originals at may cameo pa sa Destined To Be Yours. 

Ang IG na lang ni Winwyn ang open, pero naka-off na ang comment section sa photos na magkasama sila ni Mark lalo na ‘yung nasa Japan sila.

Eula kakalabanin si Glaiza

Hindi nauubusan ng pasabog ang Encantadia at ang latest ay ang pagpasok ni Eula Valdez bilang si Avria. Ginamit ni Avria ang katawan ni Cassiopeia (Solenn Heussaff) para makuha sa mga Sang’gre ang mga brilyante.

Hindi ini-expect ang pagkadagdag ni Eula sa cast ng fantaserye, pero welcome na welcome ito lalo’t magaling siyang aktres. Inaaba­ngan na ang paghaharap nila ni Glaiza de Castro sa role naman ni Pirena.

Pinost ni Eula sa social media ang picture niya na naka-costume at may caption na “Encantadia. Avisala Avria.”

Sayang pala at wala si Eula sa presscon ng Pwe­ra Usog, ang horror film movie ng Regal Films na showing sa March 8. Sa pelikula, ginagampanan ni Eula ang role ni Catalina na naka-possess kay Luna (Devon Seron) na naging biktima ng prank ni Jane (Sofia Andres). Ang nangyari kay Luna ang naging rason ng mga katatakutang nangyari sa pelikula.

Mark ginagaya na si Rachelle Ann

Sumusunod si Mark Bautista kay Rachelle Ann Go na sunud-sunod ang pagbibida sa musical play sa ibang bansa. Balik Here Lies Love si Mark na gagawin sa Seattle.

“IT’S OUT and official! I’m beyond excited! I’m going to miss my London cast for sure but I’m thrilled to meet the New York cast for this current production of HLL! #toGodbetheGlory New York i shall see you again.”

Makakasama ni Mark sa Here Lies Love ang Off-Broadway star na si Jaygee Macapugay.

Marami ang nag-congra­tulate kay Mark sa bagong project na ito sa ibang bansa. Kapag magaling talaga, hindi nawawalan ng project at trabaho.

Two piece ni Barbie, may ilang namintas

May konting bashers sa first time na pagtu-two-piece ni Barbie Forteza sa Meant To Be, pero sa kabuuan, positive ang reaction ng netizens at viewers nang tinawatag na Primetime Princess ng GMA-7.

Pati celebrities, pati ‘yung hindi Kapuso gaya nina Bela Padilla, Michelle Vito, at Mark Bautista aprub ang ginawa ni Barbie. Karamihan sa nag-comment ay co-Kapuso stars niya. Sabi naman ni Barbie, pumayag siya dahil kailangan sa eksena.

Samantala, sina Barbie at Ken ang latest love team na nagku-convo sa IG ng sweet nothings. Totoo man ito o hindi o fan service para sa viewers ng Meant To Be, kinikilig pa rin ang mga ito.

 

 

 

MARK HERRAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with