^

PSN Showbiz

Sofia labasan ng sama ng loob ni Diego!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pursigido si Cong. Alfred Vargas na tulungan ang pamilya ng mga estudyanteng napasama sa malagim na aksidenteng nangyari sa Tanay, Rizal nu’ng nakaraang Lunes.

Nagpatawag si Alfred sa lahat na mga taong involved sa nangyaring trahedya pero hindi sumipot ang mga taga-BestLink Colleges of the Philippines na nasa Novaliches, Quezon City na sakop ng distrito na pinagsisilbihan ni Alfred bilang Congressman.

“Napansin ko po na walang may nagma-manage sa kanila o ‘yung crisis management.

“Sinabi ko sa kanila my office is willing to help them. Kahit anong tulong ang kailangan nila dahil kaya naman po natin i-organize ito,” pahayag ni Cong. Alfred na awang-awa sa mga taong naapektuhan ng naturang sakuna.

Kaya nag-alok siya ng tulong dahil nakita niyang hindi nila alam kung ano ang gagawin.

PAK: Sobrang na-touch si Rufa Mae Quinto sa ginawa ni Mariel Rodriguez na nagbigay ng breast milk para sa kanyang anak na si baby Athena Alexandria Magallanes dahil hindi pa ito nagkagatas pagkatapos manganak.

Tumulong din si Camille Villar na siyang nagpadala ng nursing system para pampalakas sa pump ng gatas.

Sabi ni Rufa Mae sa kanyang Instagram account, “Thanks @marieltpadilla for giving and sharing @alexandriamagallanes your milk kagabi naka-survive baby ko hanggang kanina sakto lumabas ang milk ko, ‘di na magugutom anak ko, @camvillar you’re a queen. Thanks for everything, ang bait mo.”

Kaya ang tawag na raw sa kanilang tatlo ay ‘breastfriends’ na willing magbigay ng ekstrang gatas nila para sa mga mommy na hindi pa nagkakagatas.

BOOM: Hindi pa umaamin sina Sofia Andres at Diego Loyzaga sa kanilang relasyon, pero inamin ng Kapamilya young actress na close silang dalawa.

Sa kanya nga raw nau-open ni Diego ang dinadala niyang sama ng loob sa kanyang amang si Cesar Montano. Pero hangad niyang magkaayos na sana silang mag-ama.

“Nagpi-pray kami na sana maayos lahat. Sino ba naman po ng gustong may dinadala? Kaya kung meron mang hinanakit sa kanya, gusto ko mawala ‘yun,” pakli ni Sofia sa presscon ng pelikula niyang Puwera Usog.

Sa ngayon ay naka-suporta lamang sila at handang alalayan si Diego sa pinagdaraanan nito.

“Hindi naman madali ‘yun eh, Siguro everyday process. Kung papano mapapagaan muna as a person, hindi ‘yung kung sino ang tao sa paligid niya.

“I feel so sad for Diego sa lahat na pinagdadaanan niya. Hindi niya deserved ito,” pahayag pa ni Sofia.

Gusto sana niyang iwasan na pag-usapan pa ito dahil hindi naman kasali si Diego sa pelikula niyang Puwera Usog ng Regal Films na magsu-showing na sa March 8.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with