Erich at Daniel #Theheightngkaplastikan ang ginawa sa California! Regine kailangan ng filter!
(Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2017 - 12:00am

SEEN: Nag-celebrate kahapon si Jose Manalo ng kanyang 51st birthday sa Sunday PinaSaya. Noong February 12 ang birthday ni Jose at sa kanyang birthday production number kahapon, parang walang narinig si Wally Bayola sa “birthday message” ng guest na si Rico Puno na magkaroon sana si Jose ng pelikula o video na mapapanood niya.

SCENE: Twenty three years old na siya ang sagot ni Inah de Belen nang tanungin ang kanyang edad sa Facebook Live ng Encantadia. Binawasan ni Inah ng dalawang taon ang kanyang edad dahil 25 years old na siya.

SEEN: Biktima ng pambabastos sa social media si Alma Concepcion pero November pa ang petsa ng screenshot ng pambabastos na ibinahagi niya sa kanyang social media account. #Nagpapakontrobersyal #BetterLateThanNever.

SCENE: Hindi maganda ang make-up ni Regine Velasquez sa pilot episode ng Full House Tonight noong Sabado dahil kitang-kita sa camera ang mga gatla sa kanyang noo. #WantedFilter.

SEEN: Showbiz na showbiz sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa show nila sa California dahil parang hindi sila nagkaroon ng word war matapos maghiwalay. The height of kaplastikan!

SCENE: Hindi gimik ang pagkakasakit ni Alden Richards dahil masamang-masama na ang kanyang pakiramdam sa presscon ng Destined to be Yours noong Valentine’s Day pero tinapos niya ang obligasyon.

JOSE MANALO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with