^

PSN Showbiz

Robin wala nang magagawa kina Kylie at Aljur

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Robin wala nang magagawa kina Kylie at Aljur
Robin Padilla

Si Kylie Padilla pala ‘yung nababalitang buntis? At ang sinasabing ama ng kanyang dinadala ay ang boyfriend na si Aljur Abrenica. Alam na kaya ito ng ama ng dalaga, at wala ba siyang gagawin para mailagay sa ayos ang dalawang sangkot? Matatandaan na bago nagbalikan sina Kylie at Aljur ay tutol si Robin Padilla sa relasyon ng dalawa. Ngayon, wala na siyang magagawa kundi pagbatiin ang dalawa, bago pa siya magkaroon ng grandchild mula sa mga illegitimate parents.

Tama ba ang nauna niyang desisyon na tumigil na sa pag-aartista si Kylie at sumama na lamang sa kanyang ina at mga kapatid sa abroad?

Samantala, mapatototoha­nan ang tsismis kay Kylie kapag ang character niyang si Reyna Amihan ay tu­luyan nang mawala sa Encantadia. Sa ngayon ay dalawa pa sila ni Glaiza de Castro na pinag-iisipang papatayin sa serye sa kabila ng pakiusap ng Encantadics na wala sa apat na Sang’gre ang patayin.

Aljur at Vin may away

Sana sa tirahan lamang magkakahiwalay ang magkapatid na Aljur at Vin Abrenica. Nakalipat na ng condo ang nakakabatang Abrenica at iniwan na sa dati nilang bahay ang kanyang kuya. Nagsisimula na kasing intrigahin ang magkapatid na kabilang din sa dalawang mortal na magkalabang network. Ang pagsasabong sa kanila ay maglalagay ng gap sa magkapatid. Before they knew it, magkaaway na pala sila. Sana hindi ito mangyari sa dalawa dahil maraming problema na kinakaharap ang mas nakatatanda sa magkapatid hindi lamang sa kanyang karera kundi maging sa personal niyang buhay, kasama na ang lovelife.

Kakailanganun niya ang suporta ng kanyang pamilya, kasama na si Vin.

vuukle comment

ROBIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with