^

PSN Showbiz

Sikat na personalidad na laging may mga bodyguard kumawala na sa madatung na papa!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Madiin ang pagkakasabi ng isang female personality na hindi kayang bilhin ng salapi ang kaligayahan. Minsan na siyang nahiga sa salapi, naging karelasyon niya ang isa sa pinakamasalaping negosyante ng isang mayamang bansa, pero sumusumpa siya na meron siya ng lahat-lahat ng mga materyal na bagay pero hindi siya naging maligaya.

Nagkaroon siya ng mga anak sa masalaping negosyante, paboloso ang kanyang bahay sa isang sikat na subdivision ng mga bukod-na-pinagpala, lahat ng gusto niya ay walang pagdadalawang-isip na ibinibigay ng milyonaryong businessman.

Sabi ng isang source, “Inaasahan na ng mga kaibigan niya na kakawala rin siya sa ganu’ng relasyon isang araw. Pero napakabongga ng buhay na ibinigay sa kanya nu’ng foreigner!

“Blessing ng mansion nila kinagabihan, wala pang kaayus-ayos ang garden nila, pero kinahapunan, dumating na ang lahat-lahat ng kailangan. Instantly, nabalutan ng Bermuda grass ang buong garden, may mga itinanim na imported palm, namumulaklak agad ang mga roses!

“Ang nagagawa nga naman ng salapi. Parang matagal nang nakatanim ang mga plants, samantalang alas-singko lang naman itinanim lahat ‘yun, milagro na natapos ‘yun bago ginanap ang blessing ng mansion na ipinatayo para sa kanya ng milyonaryong foreigner,” manghang-manghang kuwento ng aming impormante.

Isang araw ay nagdesisyon ang female personality, isinuko niya ang lahat ng kayamanang ibinigay sa kanya ng negosyante, hindi nito tinanggap ang kanyang alok dahil para na lang daw ‘yun sa mga anak nila.

“Personal happiness ang dahilan ng lahat, paminsan-minsan lang kasi silang nagkikita ng karelasyon niya, pero limang bodyguards ang nagbabantay sa kanya. Hindi niya madalaw ang pamilya niya sa probinsiya, hindi rin naman puwedeng magpunta sa mansion niya ang family niya.

“Bantay-sarado siya palagi ng mga bodyguards, maggo-grocery lang siya, e, kailangan pa muna niyang magpaalam, nagsawa siya sa ganu’ng routine na wala siyang freedom,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mocha walang planong urungan ang mga kalaban!

Palaban talaga si Mocha Uson. Kahit pa sinisimulan at tinatapos ng kanyang mga bashers ang kanyang maghapon ay hindi siya nagpapatinag. Inilalabas pa rin niya ang kanyang mga saloobin, wala siyang takot, matira ang matibay sa laban ang pinaninindigan niya.

De primera siyang tagapitik ng mga epal na pulitiko, inilalabas ni Mocha ang mga ganu’ng klase ng nakalinya sa public service sa kanyang blog, at meron siyang mga ebidensiya.

Bilang board member naman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay hindi siya bibitiw sa kanyang pangako na kukuwestiyunin ang mga eksena sa mga tele-serye na maituturing nang soft porn. Makalaban man niya ang mga networks ay wala siyang magagawa dahil ‘yun ang kakambal ng kanyang trabaho bilang board member ng ahensiya.

“Marunong naman po akong makinig. I just don’t talk. I also listen. Puwede naman naming pag-usapan nang maayos ang mga eksenang ipalalabas nila. Kung talagang kailangan naman, why not?

“Marami na kasing tumatawag sa akin para pitikin ang mga eksenang soft porn na ang dating. May mga batang nanonood, kung ang mga may edad na nga, e, nagrereklamo sa mga nakikita nila, paano pa ang mga bata?

“Hindi po ako nagiging kontrabida, lalo namang hindi ako nagpapabibo, gusto ko lang na ilagay ang lahat sa tamang lugar. Tamang perspective. Magkakasundo po kami,” sinserong pahayag ni Mocha sa aming pag-uusap.

Sa tanong kung may panahon pa ba siyang naibibigay para sa kanyang grupong Mocha Girls ay oo raw naman. Hindi niya puwedeng pabayaan ang grupong nagbigay sa kanya ng pagkakataong makilala siya.

“At may isa pa po kaming grupo ngayon, ang Mocha Babes, sila naman ang mas bata kesa sa amin. Lagi po akong magkakaroon ng panahon sa grupo, ‘yun ang bread and butter ko.

“Ang magiging suweldo ko as board member ng MTRCB, ibibigay ko po ‘yun sa DSWD, saka sa Duterte’s Kitchen. Nagpapakain po kami ng mga kababayan nating walang inuuwian at kalye lang ang itinuturing nilang bahay,” madiing pangako ni Mocha Uson.

 

vuukle comment

SIKAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with