^

PSN Showbiz

Kris malabo nang maging presidente!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mukhang kinakailangan nang tanggapin ni Kris Aquino ang tuluyang pagkawala niya sa TV. Mala­bung-malabo na ang magtrabaho siya sa GMA dahil hindi nila sinasamantala ang pagkainip ng mga followers ni Kris na makita siyang muli. 

Pinapayuhan na lamang siya na manatili sa kanyang bakasyon. Paano na ang sinasabing pagtakbo niya sa susunod na halalan kung wala siyang prog­rama para hindi siya mawala sa isip ng publiko?

Kiko tinalo pa sina Rafael at Rhian sa raket

Malaki ang nagawa ng Sinungaling Mong Pu­so sa karera ni Kiko Estrada. Inamin nitong hin­­di la­mang sa pag-arte siya na-challenge lalo na ni­na Rafael Rosell at Rhian Ramos kundi maging sa pa­ngangatawan. Kinailangan niyang pumantay sa physique ng dalawang mas matagal nang artista. Ngayon, may abs na rin siya tulad ni Rafael. Hindi na siya nalalayo rito dahil matangkad din siya at maraming workshop na pinagdaanan.

Hindi rin muna siya makapagpapahinga dahil mayroon siyang dalawang indie movies na ginagawa. Nasa final week na ang Sinungaliang Mong Puso.

Raymond nabigyan ng big break sa international TV

Sayang kung masa-sidetrack si Isabelle Daza ng reality show niyang It Girls kung saan ay kasama niya ang mga BFF na sina Georgina Wilson, Sol­enn Heussaff, at Liz Uy. Mapapanood ito sa E! Channel kung saan magpapakita sa buhay at mga gawain nila bilang celebrities. Magsisilbing direktor ng show si Raymond Gutierrez. Malaking break ito sa kakambal ni Richard Gutierrez na isang magaling na host at hindi makakaapekto sa reality show ng pamilya niya ang ididirek niyang programa. 

Makakasama rin sa show ang asawa nina Solenn, Isabelle, at Georgina, ganundin si Gloria Diaz at Erwan Heussaff.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with