^

PSN Showbiz

Kris nambitin!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mukha namang urong-sulong si Kris Aquino sa paglabas ng mga programa niya outside of ABS-CBN. Habang si­nu­­sulat ito ay hindi pa nagre-resume ang taping niya para sa bagong prog­ra­ma sa APT Entertainment ng ex-Kapamilya. Mukhang sinusulit pa nito hanggang sa kahuli-hu­­lihang sandali ang bakasyon niya with Josh and Bimby.

Walang magawa ang mga fans niya kundi ang hintayin ang availability nito para sa mga bagong programa ng kanilang idolo. Sa ganitong paraan lamang masasabi na she has indeed taken a new route sa kanyang showbiz career.

Gary balik sa pag-arte

Bumalik na rin pala sa pag-arte si Gary Estrada. Mas matsa-challenge siya sa kanyang comeback dahil naka­arangkada na ang kanyang anak na si Kiko Estrada. Matagal din ito bago naka-take off. Dito lang sa Sinunga­ling Mong Puso siya nakapagsimulang umariba. Everybody thought na ma­­pag-iiwanan na siya nina Rafael Rosell at Rhian Ramos. Bago pa ma­bigo ang mga umaasa sa kanya ay umarangkada na’t tumakbo ng mabilis ang kanyang talent sa akti­ngan. Pinatunayan niyang Ejercito rin siya.

Kapatid ni Dingdong Dantes ang role ni Gary sa Alyas Robin Hood. Mukha lang may pagka-kontrabida ang role niya dahil halos lahat ng character ay nagpapahirap sa buhay ng bidang abogado.

I’m sure babalikan ni Gary ang kanyang political career pero anim na taon pa niya itong hihintayin kaya mag-aartista muna siya. Nasa maganda naman siyang network at maraming maaasahang assignments siyang makukuha.

Miss World naapektuhan ng Miss U

Mukhang naapektuhan ng malaki ang Miss World dahil sa gaganaping Miss Universe dito sa January 2017. Hindi ito nakaarangkada at hindi nakoronahan ang ating Miss World-Philippines.

I’m sure galit to death ang organizer nito na si Cory Quirino.

Sa Linggo na, Oct. 2, ang koronasyon ng Miss World Philippines na binigyan ng magandang imahe ng nanalo sa international pageant na si Megan Young. Kahit matagal nang tapos ang reign nito sa local at international beauty pageants ay ginagampanan pa rin ang kanyang tungkulin para sa koronang napanalunan niya.

Sunshine makahanap na sana ng forever

Bakit nga naman si Cesar Montano lamang ang mabibigyan ng pagkakataon na muling tumibok ang puso, eh puwede rin naman si Sunshine Cruz.Balitang may masugid na manliligaw daw ito. ‘Pag nagdalaga ang tatlong Maria niya eh malulungkot nga naman siya kapag wala siyang partner. Sana lang ay makakita siya ng talagang magpapaligaya sa kanya. Hindi naman ubra na magtrabaho na lamang siya palagi. Lalo’t maganda at bata pa naman siya.

Indie channel inilunsad

Kung sa pelikula ay may mga digital o indie films, meron na rin nito sa TV! Inilunsad na ang Piaya Network nina Anthony Leo Aguirre at JR Gumabon, isang Sky Cable Channel (Channel 35) na naka-base sa Bacolod at kinuha ang pangalan sa isang delicacy ng probinsya. Bukod sa mga bagong palabas na hatid nito, magtatampok din ito ng mga bagong digital productions tulad ng The Urban Backpacker, Power Up, L: Live, Laugh, Love, Art Works, Gag O!, at Certified Foodie Ako at mga bagong programa na A Listed, The Real Talk, Project Negros, Festival Junkie, Travel or Taste, Straight No Chaser, Piaya Documentaries at marami pa. Magandang pampuno ang mga programang handog ng Piaya Network sa pagbago ng palabas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with