^

PSN Showbiz

Jovit magpapayaman muna bago pakasalan ang GF na dating fan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naniniwala si Jovit Baldivino na ang kasintahang si Shara Chavez na ang kanyang mapapangasawa at makakasama habang-buhay. Nagsimula lamang raw na tagahanga ng singer ang dalaga bago pa naging magkarelasyon noong isang taon. “Sobrang proud ako sa kanya. Ang lakas ng loob niya at hindi siya natakot sa sasabihin ng iba, hindi siya natatakot ma-bash o makabasa ng ‘di magandang comment. Wala eh, love ko siya,” nakangiting bungad ni Jovit.

Kahit maayos ang relasyon ng dalawa ay hindi pa naman daw nila napag-uusapan ang pag-iisang dibdib. “Mag-iipon muna ako, magpapayaman muna kami. Pero sana siya na kasi napakabait niya,” giit ni Jovit.

Ayon pa sa singer ay napakabuting kasintahan ni Shara at naiintindihan ng dalaga ang trabaho ni Jovit. Naipakilala na ng singer sa kanyang pamilya si Shara at nakasundo naman daw ng dalaga ang mga ito.

Itinanggi rin ni Jovit ang akusasyon ng iba na ginagamit lamang siya ng kasintahan upang sumikat din ang dalaga. May bulung-bulungan na pinakikialaman diumano ni Shara maging ang pera ni Jovit. “Hindi siya ganoon sa akin. Napaka-business-minded niya. Tinuturuan niya ako sa business. Kasi gusto niya ng magandang buhay,” paglilinaw ng singer.

Next year pa babalik sa TV Juday ayaw i-pressure ang waistline!

Noong isang taon ay napabalitang magtatambal sa teleseryeng Someone To Watch Over Me sina Judy Ann Santos at Richard Yap. Nakapag-taping na rin ang dalawa para dito pero naudlot dahil sa pagbubuntis ng aktres. Aminado si Judy Ann na pinanghinayangan niya ang nasabing proyekto. “But you know, I am very much grateful that Dreamscape allowed me to rest. Naintindihan nila ‘yung kalagayan ko, nandiyan lang sila naghihintay,” pahayag ni Juday.

Ayon sa aktres ay hindi bagay ang konsepto ng nasabing serye sa estado ng buhay niya ngayon. Iikot ang kwento ng Someone To Watch Over Me sa istorya ng isang NBI agent na gagampanan dapat ni Juday at makikilala ang isang business tycoon na gagampanan dapat ni Richard.

Napabalitang kasama rin sa serye sina Diether Ocampo, Eddie Garcia at Tirso Cruz III. “Kasi siyempre nagbabago ang panahon, nagbabago ang gustong panoorin ng mga tao. Maybe in due time magkakaroon kami ng chance na magkasama ni Richard. Siguro hindi lang ito ang tamang project for us. May mga message kung minsan na nangyayari sa atin na it happens for a reason,” paliwanag ng aktres.

Umaasa ngayon si Juday na muli siyang makababalik sa telebisyon sa susunod na taon. “Ayaw ko ding i-presure ang sarili ko, hindi ko rin ma-pressure ang waistline ko. Siguro next year, maybe,” natatawang pagtatapos ng aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with