^

PSN Showbiz

Jennylyn magre-renew ng kontrata ngayon sa GMA?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tama kaya ang hula ng Kapuso fans na ang bina-blind item ng GMA Network na “Star shines brightest in a constellation where she belongs” at ang pahabol na “She is making her choice known on July 4 (today) ay ang matagal nang hinihintay na pagre-renew ng kontrata ni Jennylyn Mercado sa network?

Noon pang May nag-expire ang kontrata ni Jennylyn sa network, pero hindi pa siya nakakapag-renew dahil may inayos pa. Kung magre-renew nga today si Jennylyn ng kontrata sa home network niya, matatahimik na ang fans ng aktres na gustong manatili siya sa network.

Kapag nakapag-renew na ng kontrata si Jennylyn, matutuloy na ang gagawin niyang Pinoy adaptation ng isang sikat na Koreanovela. Nakatengga na ang cast na kasama sa show at hindi sila mabigyan ng project dahil nga hinihintay itong simulan.

Tom, Max at Lovi original ang serye

This Monday na ang storycon ng bagong teleserye ng GMA 7 na Someone To Watch Over Me na pinagbibidahan nina Tom Rodriguez, Max Collins at Lovi Poe. Si Maryo J. Delos Reyes ang director nito at sa kanya namin nalamang sa July 6 na ang first taping day nila. Ang bagong teleserye ang papalit sa Juan Happy Love Story nina Dennis Trillo at Heart Evangelista.

Ang sabi, original concept ang teleserye nina Tom, Max at Lovi, kaya curious ang press people kung bakit Someone To Watch Over Me ang title. Hindi kasi original ang title at lifted sa isang sikat na kanta. But kno­wing GMA 7, baka mapalitan ang title dahil sa reaction ng mga reporter. 

Ang teleserye at ang ToFarm Film Festival ang pagkakaabalahan ni direk Maryo. Busy ang director dahil sa July 13 na ang opening ng film festival at hanggang July 19 ito tatakbo. Paghahandaan na rin nila ang awarding ceremony sa July 20 at marami pang ibang gagawin si direk Maryo bilang siya ang Festival Director.

Samantala, kasama rin pala si Jaclyn Jose sa juror ng ToFarm Film Festival. Makakasama niya sina Peque Gallaga, Ricky Lee at Gigi Alfonso.

Alden hinahabol ni Maine sa mga endorsement

May 32 endorsements na si Alden Richards sa kasalukuyan habang si Maine Mendoza ay may 29 naman. Pero malapit na silang magpantay dahil may dalawang new endorsement si Maine na na­dag­dag sa kanya.

Ito ‘yung Magnolia Chicken at Oishi na kasama sa ipinamigay na loot bag sa presscon ng Imagine You And Me. Solong endorsement ito ni Maine at wala si Alden. Wala rin daw conflict sa McDo Chicken na ini-endorse nina Maine at Alden dahil hilaw ang Magnolia Chicken.

Sayang pala at hindi naipalabas sa guesting ni Kris Aquino sa Yan Ang Morning ni Marian Rivera ang sinabi ni Kris na na-appreciate niyang ina-attribute ni Maine ang pagka-discover sa kanya sa impersonation kay Kris. Hindi nakakalimutan banggitin ito ni Maine sa mga interview at natutuwa si Kris dito.

Samantala, after ng showing ng Imagine You And Me sa July 13, lilipad tungong Singapore si Alden para sa concert na gagawin niya roon sa July 24. Hindi naman siguro magtatampo ang AlDub Nation fans kay Alden kung bibiyahe siya na hindi kasama si Maine dahil trabaho ang pupuntahan nito.

Derrick at Aljur pareho ang wish

Magkasunod naming na-interview sina Aljur Abrenica (sa taping ng Once Again) at Derrick Monasterio (sa taping ng Hanggang Makita Kang Muli) at napansin naming pareho sila ng wish. Ito ay ang makapag-concert sila, mas malaki lang ang dream ni Derrick dahil gusto niyang sa Smart Araneta Coliseum siya mag-concert.

Pero matutuwa na rin siguro si Derrick na sa Music Museum muna siya magko-concert kasama sina Aljur, Jake Vargas at Rocco Nacino billed Oh, Boys! Wala pang exact date, pero sa August na ito.

Hindi sa nang-iintriga kami, pero sa apat, si Derrick lang ang may formal training sa singing dahil member siya ng choir ng Claret School. In fact, nakasama siya sa tour ng kanilang choir at nananalo sila. Tiyak, hindi magpa­patalo kay Derrick ang tatlo.

Wala pang next soap si Derrick after Hanggang Makita Kang Muli, wish nitong kapag ni-remake ang Mulawin, siya ang mapiling gumanap sa role ni Aguiluz. Siguradong mag-o-audition din si Aljur sa Aguiluz after niyang hindi matuloy sa Encantadia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with