^

PSN Showbiz

Bag ni Marian agaw eksena!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nasilip namin ang nakakata­wang episode ng A1 Ko Sa ‘Yo na inere kamakalawa ng gabi. Winner si Sef Cada­yona na siya ang nagdala ng nasabing episode. Wagi ang timing ng pagpapatawa niya. Ang napansin lang namin, lumu­lusog na ang Kapuso comedian kaya sana ay magpapayat siya ng kaunti.

Sexy naman siya at may appeal, kaya nga bumagay sila ng seksing si Andrea Torres.

PAK: Ang bagong Mayor ng Tacloban na si Cristina Gonzales na mismo ang nagbukas ng isyu tungkol sa anak niyang si Sofia kung saan napag-usapan kamakailan lang sa nai-tweet nito sa bagong halal na si Vice President Leni Rodredo.

Sabi ni Mayora, tingin daw niya ay lalong naging strong ang panganay niyang anak na si Sofia dahil sa pagkakamali niyang tweet na iyon noong nakaraang eleksyon. “She became stronger with that. Lalo siyang nagkaroon ng confidence,” pakli ni Mayor Cristina.

Ang nagtanggol daw kasi kay Sofia sa isyung iyon ay ang fans nito sa Tacloban at followers niya sa social media. “But of course mali ‘yung ano niya, kaya sabi sa kanya you have to think before you tweet.

“Kasi she didn’t mean it naman eh. Siguro nadala lang. She’s a good girl,” depensa ni Ma­yora sa kanyang anak.

Magaling kumanta si Sofia at nagku-compose raw ito ng mga kanta. Kaya susuportahan lang niya kung gusto nitong ipagpatuloy ang kanyang singing career.

BOOM: Ang daming nagugulat sa bag ni Marian Rivera na halos P20 million daw ang halaga. Bagama’t simple lang ang hitsura, agaw eksena raw talaga ito sa oath-taking ni VP Leni Robrero lalo na nga at simple-simplehan lang ang drama sa nasabing okasyon kung saan in-alter lang nga raw ang gawa ni Paul Cabral ang suot doon ng bagong Vice President. Kaya ang da­ming nagulat sa bonggang bag ni Marian na bumagay naman sa simpleng barong na suot niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with