^

PSN Showbiz

Janella balik-MMFF

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Mabuti at nagbago ng isip ni Mother Lily Mon­teverde at sumali rin sa Metro Mani­la Film Festival (MMFF). Ibinalik din nito ang Mano Po franchise na ayaw niya dati dahil ayaw daw ng tao ng drama sa filmfest. Ang kaibahan ngayon, hindi na drama ang Mano Po 7: Tsinoy dahil may comedy na rin.

Si Richard Yap ang bibida sa Mano Po 7: Tsinoy at ang dinig namin ay kasama rin sa cast si Janella Salvador. Marami pang ibang kasama sa cast na ABS-CBN at Star Magic talents.

Follow-up movie ito ni Janella after ng box-office hit na Haunted Mansion noong MMFF 2015. Ang aabangan ay kung sino ang makakapareha ni Janella dahil sa Haun­ted Man­sion namatay ang ka­rak­ter ng ka-love team niyang si Marlo Mortel.

Yasmien araw-gabi walang bra

Ang ganda ‘pag natuloy ang plano nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kur­di at Katrina Halili na mag-pictorial silang hot mommas sa El Nido, Palawan na lugar nina Katrina.

Na-share ni Yasmien ang tungkol sa plano nilang magkakaibigan sa presscon ng Afternoon Prime na Sa Piling Ni Nanay. Excited na raw sila pero pinaka-excited si Yasmien dahil ngayon lang uli sila magkakasama at sa sexy pictorial pa.

Sina Jennylyn at Katrina ay may ipakikita raw, pero siya wala. Nagbiro itong ang behind lang niya ang kanyang maipakikita, pero puwedeng wala siyang bra sa pictorial nila.

Sanay na walang bra si Yasmien dahil sa bahay nila ay hindi siya nagba-bra. Sa presscon nga ay wala siyang bra at kita ang malalim niyang cleavage.

Rita at mister mahilig mag-ampon ng aso’t pusa

Ang dami palang alagang aso at pusa nina Rita Avila at kanyang mister na si direk FM Reyes. Ang latest count, may 13 dogs at 7 cats silang inaalagaan, pero tatlong aso at dalawang pusa lang ang nakakapasok ng bahay.

Kuwento ni Rita nang makausap namin sa ta­ping ng Hanggang Makita Kang Muli, may transient silang aso na kumakatok sa gate nila ‘pag umuulan o kaya’y nagugutom. 

Dagdag pa ni Rita, walang hilig sa aso at pusa si direk Erick dati, pero nang may magregalo ng pusa rito na malambing ay nagbago ang lahat.

Kim Domingo malandi raw

Naba-bash si Kim Do­mingo ngayon dahil muk­hang may bagong boyfriend. Kilig-kiligan kasi si A­gatha ng Juan Love Story sa post niya sa Instagram (IG) na may nagpadala ng bouquet of flowers. Masarap daw tumanggap ng flowers at mas maganda ang love kung dumarating ng hindi expected.

May mga natutuwa para kay Kim at gustong malaman kung sino ang lucky guy na muling nagpatibok sa puso nito.

Pero may mga nang-ookray din kay Kim. Ang bilis naman daw niyang maka-move on sa break-up nila ng businessman niyang ex.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with