^

PSN Showbiz

Aljur iniintrigang inggit sa career ni Vin

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi maiiwasan na pagkumparahin ang magkapatid na Aljur at Vin Abrenica ngayong nasa bakuran na ng Kapamilya Network si Vin na mula sa TV5 na pumirma ng exclusive contract with ABS-CBN last month.

Agad lumabas si Vin sa Ipaglaban Mo, Tonight with Boy Abunda at sa Maalaala Mo Kaya (MMK) at makakasama siya sa bagong magsisimulang serye na The Second Wife na pangungunahan nina Bea Alonzo, Iza Calzado at Ian Veneracion.

Pero hindi magpapatinag sa kumpetisyon ang magkapatid na Aljur at Vin dahil pareho silang masaya para sa isa’t isa. 

Si Vin ay produkto ng reality-based ta­lent search ng TV5, ang Artista Academy kung saan siya ang grand winner along with Sophie Albert in 2012.

Hindi naman makapaniwala sa unti-unting pagbabago ng kanyang career si Vin dahil sa sunud-sunod na proyekto na ipinagkakatiwala sa kanya ng kanyang bagong home studio.

Sa part naman ni Aljur, unti-unti na rin itong nakakabawi magmula nang magkaroon ito ng problema sa kanyang home studio.

Si Aljur ay kasalukuyang napapanood sa Once Again kung saan niya kapareha ang nobya ni Elmo Magalona na si Janine Gutierrez.  

Mark sinimulan na ang pag-iipon

Kung tutuusin, bago pa lamang ang relasyon ng magka­sintahang Mark Herras at Winwyn Marquez pero nakikita na ng actor ang kanyang sarili marrying Joey Marquez and Alma Moreno’s daughter balang araw.

Gusto ni Mark na makapag-ipon nang husto for his proposal and eventually marrying Winwyn when he turns 32. Magti-thirty na si Mark on December 14 kaya malamang sa taong 2018 na niya pakasalan ang dalaga.

Natutuwa rin si Mark na tanggap ni Winwyn ang kanyang two-year-old daughter na si Ada at close umano ang dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with