Lumobo, Alden hiyang sa alaga ni Maine sa Italy, Richard ibinaba na ang espada, Anak ni Noli de Castro walang isang libo ang fans?

SEEN: Hiyang si Alden Richards sa shooting nila ni Maine Mendoza sa Italy dahil tumaba siya. Kailangan ni Alden na magbawas ng timbang.

SCENE: Iniwanan na ni House Representative Lucy Torres ang Liberal Party dahil lumipat na siya sa political party ni President-elect Rodrigo Duterte. Si Duterte ang presidential candidate na ipinangampanya ni Lucy at ng kanyang mister na si Richard Gomez.

SEEN: Nanahimik ang mga celebrity supporter ni President-elect Rodrigo Duterte sa isyu ng pagsipol at flirting nito sa GMA 7 news reporter na si Mariz Umali dahil alam nila na mali ang inasal ng bagong halal na pangulo.

SCENE: Kagabi ang finale episode ng Ang Panday ng TV5. Ang Panday ang comeback teleserye ni Richard Gutierrez.

SEEN: “Pangga” ang tawag ni Mark Herras sa kanyang girlfriend na si Winwyn Marquez. Nag-enjoy nang husto si Mark sa unang out-of-the country trip nila ni Winwyn.

SCENE: Maraming artista ang lilipad sa Davao City para sa victory party bukas ni President-elect Rodrigo Duterte.

SEEN: Hindi pa umaabot sa isang libo ang likers ng Facebook page na Kat de Castro for DOT Secretary. Bigo ang may pakulo na makalikom ng isang milyong likes para i-appoint ni Duterte na secretary ng Department of Tourism ang anak ni Noli de Castro.

SCENE: Hinarang ng Ombudsman ang motion ni Senator Jinggoy Estrada na iabswelto ito sa mga kaso ng graft dahil sa pagsasangkot sa kanya sa PDAF scam.

Show comments