^

PSN Showbiz

Kris at Ka Tunying inaabangan kung may chemistry

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Panay replay ang ipinapalabas ngayon ng Kris TV ni Kris Aquino sa ABS-CBN.  Paghahanda na kaya ito sa muling pagbabalik ni Kris sa ere with a new show, new format at bagong kasama?

Kami ang unang nagbalita sa aming column na ang hard-hitting radio journalist at TV host na si Anthony Taberna ang makakasama ni Kris sa kanyang bagong daily morning show.

Magkaibang-magkaiba ang personalidad nina Kris Aquino at Anthony o Tunying at magkaiba rin ang mundo na kanilang ginagalawan kaya marami ang curious kung magkakaroon ng chemistry ang dalawa bilang TV tandem.

Si Tunying ay regular ding napapanood sa early morning daily show ng Dos, ang Umagang Kay Ganda at sa teleradyo na Dos por Dos sa DZMM kasama si Gerry Baja.

Kung matatandaan pa, nakasama rin noon sa isang daily show ni Kris ang misis ng presidentiable na si Mar Roxas na si Korina Sanchez, ang Morning Girls with Kris and Korina pero hindi ito nagtagal sa ere.  Nagsama rin sina Kris at King of Talk na si Boy Abunda sa Boy & Kris sa morning show.

Hindi pa man nagsisimula ang bagong daily morning show nina Kris at Anthony na nakatakdang magsimula this month (either February 22 or February 29) ay marami na ang curious sa bagong tambalan nina Kris at Tunying.

Sikat na Pinay performer sa Japan na si Marlene dela Peña, hindi kilala ng mga kababayang singer

Nasa bansa ngayon ang Filipina singer na na­ging superstar noong late 70’s to `80s sa Japan na si Marlene dela Peña na mas kilala sa Japan as Ma-rine (for Marlene, the popular jazz singer) dahil sumakabilang-buhay ang kanyang nakababatang kapatid na si Jose “Boy” Lim, Jr. nitong nakaraang Miyerkules. 

Last December, nagsiuwian sa Pilipinas ang pa­milya ni Marlene na ang iba sa kanila ay naka-base sa Canada para ipagdiwang dito ang Kapaskuhan at first death anniversary ng kanyang namayapang ama na si G. Jose Lim, Sr. last December 26.

Si Marlene ang panganay sa kanilang magkaka­patid at siya’y permanent resident na sa Japan. Since kauuwi lamang ng Pilipinas ng iba niyang mga kapatid na naka-base sa Canada, hindi na makakauwi ang mga ito sa pagkamatay ng kanilang kapatid na si Boy. 

Last Friday evening ay dumayo kami sa San Lorenzo Ruiz Chapel ng Tejeron, Sta. Ana, Manila kung saan nakaburol ang kapatid ni Marlene na si Boy na scheduled for cremation on Tuesday, February 16.  Samantala, up to this day ay umaasa si Marlene na magkaroon siya ng pagkakataon na makapag-concert o show sa Pilipinas kasama ang ibang popular singers and performers.

Nagkaroon siya ng opportunity na makatrabaho ang mga top international singers in Japan at sa ibang bansa pero hindi siya gaanong kilala sa sarili niyang bansa lalo na sa bagong henerasyon ng mga mang-aawit.

Isa nang institusyon si Marlene sa music and entertainment scene ng Japan kung saan siya ay in-demand pa rin hanggang ngayon sa mga concert scenes.

Marlene is now separated sa kanyang American husband na si James Shi­ver at meron silang dalawang adoptive children na sina Marlon at Aila Marlene.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with