^

PSN Showbiz

Comedian-TV host kinasuhan ng child abuse, tinuluyan ng ama ng bagets na pinik-up sa elevator!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pagkagulat-pagkalungkot ang naging reaksiyon namin sa balita na may kaso palang hinaharap ngayon ang isang komedyante-TV host na matagal na naming nakakasama.

Ang pinag-ugatan ng kasong sexual harassment na isinampa laban sa kanya ng isang pamilya ay ang diumano’y pagdadala niya sa isang bagets na lalaki sa kanyang condo unit. Nakasabay lang niya sa elevator ang bagets, inimbitahan ng komedyante-TV host sa kanyang kuwarto, pero nagsumbong ang teenager sa kanyang mga magulang.

Nakakita raw ng mga bituin ang komed­yante-TV host nang sapukin ng ama ng bagets, pero hindi pa du’n nagtapos ang lahat, sinampahan pa siya ng kasong sexual harassment.

Sa pagkakilala namin sa beking personalidad ay hindi siya ganu’n, siya ang nilalapitan ng mga lalaki, hindi siya ang namimilit.

Hindi kaya nasa ilalim ng ispiritu ng alak ang komedyante-TV host nang diumano’y maganap ang ibinibintang sa kanya? Mahilig kasi siyang uminom, parang hindi kumpleto ang kanyang araw kapag hindi siya nakakatungga ng inuming nakahihilo at nakapagpapadulas ng dila at desisyon, parang pag-inom na lang ng tubig para sa kanya ang paglaklak.

Kung totoo ang bintang sa kanya ay harinawang malampasan niya ang paghamong ito. Magsilbi na rin sanang aral para sa kanya ang senaryo, iwasan na niya ang pag-inom nang sobra sa kanyang kapasidad, para hindi siya nasasangkot sa mga ganitong problema.

Lumalakas kasi ang loob ng isang nakainom. Alam niya naman ang mga nangyayari pero dire-diretso ang takbo ng kanyang isip. Dahil sa pagkalasing ay meron siyang nagagawang pagsisisihan niya kapag nahimasmasan na siya.

?Manager pinaliliit ang mundo ni Alden?!?

Si Dudu Unay na may malaking tulong na nagawa sa career ni Alden Richards ay discoverer din ng magandang young actress na si Liza Soberano. Maayos pa rin ang samahan nila ni Liza, maligaya si Dudu Unay sa magandang kapalaran ng batang aktres, kakaiba sa nangyari sa kanila ni Alden Richards.

Kalat na kalat sa showbiz ang senaryo. Si Dudu ang nakakuha ng proyektong Alakdana para kay Alden, ito ang kumukuha ng script ng sikat na aktor ngayon sa produksiyon ng serye, ito rin ang kasama-sama ni Alden sa pagmememorya ng kanyang script.

May isang naglabas ng kuwento na hindi na nga pinasa­salamatan ni Alden si Dudu Unay ay binlock pa sa FB ng aktor. Du’n na nagsimulang lumutang ang istorya ng kawalan ng utang na loob ng Pambansang Bae sa taong may malaking nagawa sa kanyang career.

Biglang umentra sa eksena ang isang Carlites de Guzman na nagpapakilalang manager ni Alden. May mga inilabas itong kuwento na puro pabor sa kanya at naeetsa-puwera na ang tulong na nagawa ni Dudu.

Ayos lang ‘yun, tutal naman ay hindi ipinagpipilitan ni Dudu ang kanyang sarili, ibang tao naman ang nagbukas ng kuwento at hindi ito.

Pero alanganin ang atake ng manager ni Alden, kung may basbas man ‘yun ng aktor o wala ay sila-sila lang ang nakakalaam, pinalabas ni Carlites na luko-luko ang mga nagkakalat ng isyung walang utang na loob si Alden at makikitid naman ang utak ng mga naniniwala sa kuwento.

Hindi namin alam kung saang puno ng sampalok nanggaling ang Carlites de Guzman na ito, hindi namin siya kilala nang personal, pero nag-iwan ng kaangasan sa amin ang kanyang damage control.

Maraming nanegahan sa manager ni Alden, bagitung-bagito pa lang kasi ito sa paghawak ng mga artista, pero maangas-maanghang na itong magbitiw ng mga salita.

Dapat malaman ng taong ito na ang kalyeserye ng Eat…Bulaga ang gumawa ng milagro sa karera ni Alden. Ang kanilang penomenal na tambalan ni Maine Mendoza na iniluwal ng kalyeserye ang dahilan ng kanyang popularidad ngayon.

Ang suportang ibinibigay nang walang kundisyon ng AlDub Nation ang dahilan kung bakit inuulan kundi man binabagyo ng suwerte at biyaya ngayon si Alden Richards.

Ang manager ay nagpapalawak sa mundo ng kanyang alagang artista at hindi nagpapaliit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with