Kuya Germs todo paramdam sa huling taping ng Walang Tulugan; Mga anak ni Vic tanggap si Pauleen kahit hindi naman daw sila close!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2016 - 9:00am

PIK: Si Alden Richards kaya ang surprise guest sa nalalapit na Valentine concert na Panahong May Tama na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa February 13?

Parang siya ang tinutukoy ng producer na si Joed Serrano dahil si Andrew Mamu de Real ang director nito na siyang head writer ng Sunday PinaSaya.

Nilinaw na rin kasi doon sa presscon ni Joed na kahit hindi natuloy ang P20-M offer nila na concert ng AlDub tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza, nandiyan pa rin daw ang deal niya sa GMA Artist Center para kay Alden.

May mga show pa silang nabibigay kay Alden at hoping silang matutuloy pa rin ang malaking concert sa Big Dome para kay Alden na maaaring middle o latter part of this year.

Kung si Alden nga ang surprise guest sa kanilang Valentine concert, malamang na riot ang pagla­laro sa kanya nina Gladys Guevarra, Boobsie, at Ate Guy kasama rin si Papa Jack.

PAK: Sa second Saturday of February pa pala mapapanood ang last episode ng Walang Tulugan with the Master Showman na tineyp na nila nu’ng nakaraang linggo.

Kuwento ng mga staff ng naturang va­riety show, sobra raw ang paramdam ni Kuya Germs nu’ng taping lalo nu’ng last episode.

Si Ken Chan daw ang nag-perform ng hu­ling kanta para kay Kuya Germs bago nila isi­nara ang kurtina. Pero bago nila nabuo ang seg­ment na iyon, inabot daw sila ng halos 30 minutes na delay dahil nagloko ang player ng CD. Nilipat daw nila sa laptop ang CD na ka­kantahin ni Ken pero ayaw naman daw kumopya. Kaya tinanggal na nila ito, pero ayaw na­man daw bumukas ng laptop. Kung anu-anong nangyayari na ikina-delay ng number na iyon.

Nu’ng pinaandar daw nila ang fog machine, nagulat sila na merong fog na lumabas mula sa itaas na ikinagulat nila. Akala nga raw nila ay may nasusunog dahil may usok sa taas. Hanggang sa nailabas na raw nila ang CD sa laptop, sinubukan nila uling i-play sa isang player at tumugtog na. Doon lang daw nila natuloy ang segment na iyon, pagkatapos ng matagal na pagkaaberya.

Kaya kinakausap daw nila si Kuya Germs na tiyak nagparamdam dahil ma­ta­ta­pos na ang kanyang programa.

BOOM: Ipinakita naman ng mga anak ni Vic Sotto na welcome sa ka­nilang pamilya si Pauleen Luna dahil nakikita nila kung gaano nito kamahal ang kanilang ama.

Nagbigay ng mensahe ang isang anak ni Bossing Vic na si Vico at sinabi nga niyang kahit hindi raw ganun ka-ideal ang set-up ng kanilang pamilya, ang mahalaga ay nagmamahalan sila.

Tanggap naman daw nila kung next priority na lang silang mga anak kay Pauleen, basta nandiyan pa rin daw ang pagmamahalan sa kanila.

Sabi ni Vico para sa kanyang ama; “For me it really doesn’t matter whatever the situation is.

“Kung ano man ‘yung mga circumstances na mga pinagdaanan natin, because we always knew that you’re always with us whenever we needed you. I know that even if number 3 na kami ngayon, okay lang sa amin ‘yun because when we need you, you’re always with us. Wala namang nababago sa relationship natin.”

Mensahe naman niya kay Pauleen; “Pauleen I just want to congratulate you also.

“You’ve been very good to us. You’ve been nice to us even if we’re not really that close, we welcome you in the family. I know that you love our Dad very much, and we see how you much you love our Dad. We’re very thankful for that.”

Kaya kaagad naging kumportable si Pauleen sa pamilya ni Vic. Sabi nga ni Pauleen, mga anak na rin daw niya ang turing niya sa mga anak ng kanyang asawa.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANDREW MAMU ANG DAW KAYA KUYA GERMS MGA NILA PAULEEN SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with