^

PSN Showbiz

KC ibinukong may takot ang kanyang mommy Sharon sa kanyang edad

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nagulat nang malaman nilang walang ambisyon na pasukin ni KC Concepcion ang pulitika dahil lamang aktibo siyang ambassadress ng UN World Food Program. Sinabi niya sa isang interview sa kanya ni Boy Abunda na walang-wala sa isip niya na pasukin ang pulitika at kung ak­tibo man siya sa kanyang gawain sa UNWFP, ito ang hinihingi ng pagkakataon dahill dumarami ang taong nagugutom sa mundo.

“Takot ako sa politics. Hindi ko mundo ito,” sabi niya na bukod sa pa­giging ambassadress ng UNWFP ay nagbibenta rin ng personal niyang gamit online - bags, shoes, clothes, gowns na 100% ng pi­nag­bentahan ay napupunta rin sa nasabing or­ganisasyon.

Masaya ang ibinabad­ya ng 2016 para sa ma­sipag na dalaga. Sa kabila ng kanyang ka­a­bala­han, nagawa pa rin niyang makipag-celebrate ng 50th birthday ng kanyang inang si Sharon Cuneta. It was a happy family reunion. Amused siya na medyo may takot ang ina na dumating sa edad na 50.

Kris ‘di man lang naalala na nahulog sa stage ng show burol ni Kuya Germs nabahiran na rin ng pulitika?!

Sayang at hindi pinagbigyan ang kahili­ngan nina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla na pumunta sa burol ng ka­nilang kaibigang si German “Kuya Germs” Moreno. Gusto lamang ng dalawang artistang pulitiko na makapagbigay pugay sa yumao bago man lamang ito mailibing ngayong araw sa Loyola Memorial Park Marikina. Nung Pasko, sa kabila ng kalagayan nito, ay dinalaw sila ng Master Showman sa kanilang kinapipiitan.

Napag-uusapan na rin lamang ang burol ng iginagalang na haligi ng local entertainment, sana naman ay huwag itong mahaluan ng pulitika dahil lamang sa naging aktibong supporter si Kuya Germs ng pamilya Marcoses at itinuring nito na pangalawang ina si dating First Lady Imelda Marcos.

Marami kasi ang na­ka­puna na ni wala man lamang bulaklak na padala ang pamilya Aqui­no sa namatay, gayong sa programa ni Kuya Germs nagsimu­la si Kris Aquino ng kanyang pag-aartista. Marami rin ang nagtatanong kung sadya ito dahil nga maka-Marcos ang namatay?

‘Pagtira’ nina Jose at Wally kay Alden, ‘di matanggap ng fans

Malaking kawalan sa Eat Bulaga kung magtutuluy-tuloy ang pagkawala ni Alden Richards sa show. Maniniwala na sana ang mga manoood ng EB na talagang namamahinga lamang ang Kapuso actor na nakabalik na pala ng bansa, pero hindi pa rin nagpapakita sa EB.

Pero ang hindi katanggap-tanggap sa kanila ay ang mga side comment na may layong mang-inis at manglait nina Jose Manalo at Wally Bayola kay Alden.

May blessing ba ‘yun ng mga bossing ng EB? Dahil kung personal nila ‘yun, it leaves a bad taste in mouth.

Nakabalik na si Alden kahapon sa EB.

Albert mas interesadong magkaapo kaysa mag-dyowa uli

Walang doktor ng hayop sa pamilya ni Albert Martinez, pero nagtayo siya ng isang veterinary cli­nic dahil lamang sa kanyang pagmamahal sa mga aso. Mayro’n siyang tatlong toy poodle at isang chowchow. Ang mga ito at ang tatlo niyang anak na sina Alyan­na, Alyssa, at Alfonso ang kasama niya sa bahay.

Isang taon na ring na­mamayapa si Liezl, pero walang nababalitaan na nililigawan siya o nagugustuhan man lamang na kuntento na sa pagiging close nila ng kanyang mga anak.

Sinabi niyang hindi niya alam kung magmamahal pa siyang muli, mas excited siya sa pagkakaro’n ng apo sa kanyang mga anak na ang isa ay nakatakda nang mag-asawa.

vuukle comment

ACIRC

ALBERT MARTINEZ

ALDEN RICHARDS

ANG

BONG REVILLA

BOY ABUNDA

EAT BULAGA

KUYA GERMS

LAMANG

MARAMI

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with