Naku ayaw ng pamahiin Gown ni Pauleen nakita na ni Vic
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2016 - 9:00am

Nag-second fitting na si Pauleen Luna ng wedding gown niya na disenyo at gawa ni Francis Libiran. Nataranta ang followers nina Pauleen at Vic Sotto dahil sa pinost na picture ng aktres, kasama nila ni Francis si Vic, natakot ang followers ng mga ikakasal dahil baka ipinakita ni Pauleen kay Vic ang wedding gown niya.

Ilang araw na lang at magiging Mrs. Vic Sotto na si Pauleen at ngayon pa lang, binabati na ang mga ikakasal ng Best Wishes at Congratulations! 

Royals concert sa Valentine puwedeng pakialaman ng fans 

Puwedeng mag-suggest ang audience at fans nina Martin Nievera, Erik Santos, Angeline Quinto, at Regine Velasquez ng songs na gusto nilang marinig sa kanilang Royals concert sa February 13, kaya ayun, kanya-kanya na ng suggestion ang manonood.

Malaking concert ang Royals to be directed by Rowell Santiago dahil da­lawa ang musical directors. Magtutulong sina Homer Flores at Raul Mitra na magbigay ng isang magandang pre-Valentine’s Day concert sa SM Mall of Asia Arena.

Speaking of Regine, excited na ang fans nito sa two shows na gagawin niya sa GMA 7 at kasama sa bago at two-year contract niya sa GMA Network. Isang comedy-musical-variety program at isang drama series.

Shy Carlos final na sa Tasya Fantasya

Sabi ni Mr. Vic del Rosario sa presscon ng Born to be a Star, every week ang presscon ng Viva Communications, Inc. at TV5 dahil sunud-sunod ang airing ng mga bagong shows ng network. Next week, ang presscon ay para sa remake ng Tasya Fantasya ang dadaluhan ng press people.

Nalaman naming si Shy Carlos ang napili ng Viva na magbida sa Tasya Fantasya. Isa si Shy sa pinakamagandang talent ng Viva, ang laki ng hawig nito kay Anne Hathaway at kahit si Mark Neumann, ‘yun din ang tingin sa dalaga.

Sa presscon ni Shy malalaman ang iba pang details sa Tasya Fantasya, gaya ng director at makakapareha ni Shy. Maganda kung si Mark ang makaka-love team ng aktres dahil maganda’t gwapo sila. 

Kabilang si Shy sa cast ng Shake, Sha­ker, Shakest episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin at isa sa mga anak nina Mayor Herbert Bautista at Maricel Soriano, pero wala siya sa presscon.

Andre ngayon lang magpa-primetime 

Si Bb. Joyce Bernal ang director ng That’s My Amboy, ang bagong primetime at rom-com series na pagbibidahan nina Barbie Forteza at Andre Paras. Sa January 25, na ang airing ng show, kapalit ng Marimar kaya magsisimula na agad itong mag-taping para makahabol sa airing schedule.

Sa January 15, magtatapos ang The Half Sisters, ang Afternoon Prime na bida rin sina Andre at Barbie, bale nine days lang sila magpapahinga dahil sa Jan. 25, muli silang mapapanood at sa primetime slot na.

Minsan nang nagbida sa primetime teleserye si Barbie, pero si Andre, first time sa primetime slot kaya excited, kabado, at masaya siya. 

Amalia Fuentes nakakakain at nakakaupo na

Ikatutuwa ng friends at fans ni Amalia Fuentes ang narinig naming balita ni Andrew Muhlach sa presscon ng Lumayo Ka Nga Sa Akin na malaki na ang improvement ng health ng aktres. Naka-confine pa rin ang aktres sa hospital, pero nakakaupo na at nakakakain.

Tuluy-tuloy ang therapy nito dahil may parte ng katawan na hindi pa naigagalaw, pero on the road to recovery na. Ang apo ni Amalia na si Alfonso ang in charge sa everything that concerns Amalia at ito rin ang in charge sa pagpapagawa ng hospital room sa bahay ng aktres.

Kapag natapos na ang hospital room sa bahay ni Amalia, saka lalabas sa hospital ang aktres. Baka this January na raw matapos ang hospital room ni Amaila

Si Andrew ay youngest brother ni Aga Muhlach at gumaganap na isa sa mga anak nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Maricel Soriano sa Shake, Shaker, Shakest epidsode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin na showing sa January 13. Na-starstruck daw siya kina Herbert at Maricel, pero hindi siya kinabahan dahil parehong mabait ang dalawa sa kanilang mga batang cast.

ALIGN AMALIA AMALIA FUENTES ANG DAHIL LEFT LUMAYO KA NGA SA AKIN NBSP QUOT STRONG TASYA FANTASYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with