^

PSN Showbiz

Tutal Pasko naman Steve Harvey dapat nang patawarin

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

First time sa kasaysayan ng Miss Universe and in any other international beauty competition na nagkamali ng basa at announcement ang host ng patimpalak. Napakalaking blunder ang ginawa ng 2015 Miss Universe host na si Steve Harvey, game show at talk-show host-comedian nang magkamali itong i-announce na si Miss Colombia na si Ariadna Gutierrez ang nanalong Miss Universe. Siya dapat ang 1st runner-up at ang tunay na panalo ay ang kinatawan ng Pilipinas na si Pia Alonzo Wurtzbach.

Naging madrama at controversial man ang nakaraang 2015 Miss Universe pageant, dapat mag-move on na ang lahat. After all, it’s Christmas at dapat masaya na ang lahat laluna ang mga Pinoy dahil sa pagkakapanalo ni Pia bilang pinakabagong Miss Universe.

Star Group nagpa-raffle NG P4.5-M

Napakasaya ng taunang Christmas party ng Star Group of Companies na ginanap sa The Tent ng Sofitel Hotel last Monday at 10:00 a.m. hanggang hapon.

Halos lahat ng mga empleyado ay dumating na naka-costume representing different countries in Asia at 30 sa kanila ang nanalo ng premyo bilang Best In Costume. Labas pa ang mga ito sa P4.5-M worth of prizes na ipina-raffle.

Naroon din siyempre ang amiable president na si G. Miguel Belmonte at ang chairman na si Atty. Ray Espinosa na personal na nakisaya with their employees and guests.

Sina Matteo Guidicelli at Shaina Magdayao ang dalawa sa mga dumalong celebrity guests.

Vic at AiAi malakas din ang kilig

Maganda ang speaking voice ni Maine “Yaya Dub” Mendoza at very natural ang kanyang acting sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na My Bebe Love (#KiligPaMore) na pinagsasamahan nila nina Vic Sotto, AiAi delas Alas, at Alden Richards na idinirek ni Joey Javier Reyes.

Maganda rin ang rehistro ni Maine sa screen at nakakakilig ang kanilang mga eksena ng kanyang ka-loveteam na si Alden Richards. May kilig factor din ang balik-tambalan nina Vic Sotto at AiAi delas Alas. Nakikini-kinita na namin ang magiging wild reaction ng AlDub Nation kapag napanood nila ang My Bebe Love laluna ang mga sweet moments ng kanilang mga idolo na siyang movie acting debut ni Maine at ng tambalan nila ni Alden.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

ARIADNA GUTIERREZ

BEST IN COSTUME

JOEY JAVIER REYES

MAGANDA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MGA

MISS UNIVERSE

MY BEBE LOVE

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with