^

PSN Showbiz

Dyowa ni Vina hindi nagpapakalalaki?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Gaano kaya katatag ang Kapamilya singer-actress na si Vina Morales na maipaglaban ang lalaking nagpapasaya ngayon, ang French businessman na si Marc Lambert?

Walang kaalam-alam si Vina na magugulong muli ang kanyang buhay dahil sa paglantad ng dating FHM cover girl na si Avi Siwa na naanakan ng nobyo ngayon ni Vina.

Sa halip na si Vina ang makipag-away (on social media pa mandin) sa ex-GF ng kanyang nobyo, dapat siguro si Marc ang pumagitna sa kanilang pagitan at ayusin ang dapat ayusin.

Kung wala na sina Avi at Marc nung magsimula ang relasyon nila ni Vina, may karapatan pa rin si Avi na maghabol kay Marc (in terms of financial support) dahil sa kanilang anak. Pero dapat ayusin nila ito sa isang pribado at magandang usapan para hindi pagpiyestahan ng buong mundo.

Kung isang true gentleman si Marc, siya dapat ang gumawa ng paraan para matigil ang “giyera” sa pagitan ng dalawang babaeng may ugnayan sa kanya.

Pacman nagpapaguwapo na!

Dagdag pogi points sa boxing hero na si Manny Pacquiao ang kanyang pag-aalok ng serbisyong legal sa mga taong nagiging biktima ng tanim-bala gang sa mga paliparan.

Sa totoo lang, nakakaalarma talaga ang nangyayari sa NAIA kung saan madalas nangyayari ang tanim-bala sa mga kawawang biktima. Bukod sa mga Pinoy, sobrang nakasisira ito sa imahe ng Pilipinas laluna na sa turismo na siyang direktang apektado sa mga nakababahalang balita na ito.

Napa-praning na tuloy ang mga bumibiyahe (both local and foreigners) sa pag-iisip na baka sila ang susunod na mataniman ng bala sa airport.

Kailan kaya ito matitigil? Alden hindi minamadali si Yaya Dub

Ngayong madalas nang magsama sina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza sa trabaho, malamang nagkapalitan na ng mobile num­ber ang dalawa. Bukod sa Kalyeserye ng Eat Bu­laga kung saan din sila madalas magsama ngayon, nariyan pa ang shooting ng My Bebe Love (#KiligPaMore), TV commercial shoots at maging sa pictorial para sa iba’t ibang glossy ma­gazine.

Aminado ang Kapuso hottest matinee idol na unti-unti na umano niyang nakikilala ang kanyang ka-loveteam pero ayaw umano niyang madaliin ang lahat lalupa’t pareho silang nag-i-enjoy sa kanilang ginagawa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang dalawa sa kakaibang magic ng kanilang tambalan at natutuwa sila na maraming tao ang napapasaya nila.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

AVI

AVI SIWA

BUKOD

EAT BU

MARC LAMBERT

MY BEBE LOVE

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with