Yam, sawa nang magpakita ng boobs at puwet

Hindi na raw magpapaseksi sa mga proyekto si Yam Concepcion katulad ng mga nagawa niya noon. “Ayaw ko na ng gano’n ka-all out tulad nang ginawa ko sa Rigodon. Hindi na ako magpapakita ng boobs saka ng puwet. Kumbaga, one time big time lang ‘yon para makapasok sa industriya. Saka, Diyos ko, nakita na nila, ano pa ba? Siyempre, iba naman ‘yung ipapakita natin,” nakangiting pahayag ni Yam.

Naisip daw ng aktres na huwag nang magpaseksi dahil nangangarap siyang maging isang news anchor. Matatandaang pansamantalang pumalit kamakailan si Yam kay Gretchen Fullido bilang host ng Star Patrol segment sa TV Patrol.

Samantala, nagbigay din ng reaksyon ang dalaga tungkol sa diumano’y pinaglalaruan lang ni Ellen Adarna ang dating kasintahan ni Yam na si Ejay Falcon. Napabalita kasing may espesyal nang namamagitan kina Ellen at Ejay at nagkaroon pa ng eksena ang dalawa sa nakaraang Star Magic Ball.

“Talaga? Nakakatawa naman. Kasi, knowing Ellen, based from what I read, I don’t really know her personally, pero nakakatawa ‘yung balita, parang hindi ko maseryoso, sorry. Crazy lang siguro siya, totoong tao gano’n. Saka nakakatawa ‘yung isyu nila. So tawa na lang tayo ha-ha-ha,” makahulugang pahayag ng aktres.

Dawn aminadong apektado ang asawa sa mga ginagawa nila ni Goma

Muling magkakatambal sina Dawn Zulueta at Richard Gomez sa teleseryeng You’re My Home na magsisimula na sa November 9.

Hindi raw nagkakaroon ng problema sina Dawn at asawang si Anton Lagdameo kahit na muling nakakasama ng aktres ang dating kasintahan. “Well I think normal din naman talaga sa isang lalaki na kahit paano baka ma-affect din siya ng konti. Mature naman kasi my husband and nakikita naman niya na naa-appreciate ng mga tao ‘yung tambalan namin onscreen ni Richard. So for my husband, na-appreciate din niya na ang ganda nga naman at gano’n talaga ‘yung trabaho namin. So nahihiwalay niya na ‘yan ang personal ko ‘pag kasama ko si Richard,” paliwanag ni Dawn.

Kasama rin sa nasabing serye sina Paul Salas, Sam Concepcion at Jessy Mendiola. Napansin daw ni Dawn kamakailan sa kanilang set na mukhang problemado si Jessy.

May kinalaman ang pagiging problemado ng dalaga sa relasyon nila ni JM de Guzman.  “Oo, nakakaramdam din naman kami pero hindi naman si Jessy makuwento eh. Pinakikiramdaman ko lang. If she wants to talk to someone or if she wants to ask me anything, then she’s always welcome to do that. Pero hindi naman siya pala-share. Very sweet, tahimik lang siya magtrabaho, very serious, very quiet,” pagbabahagi ni Dawn.

Show comments