Mga miyembro ng INC pinaiyak ng Felix Manalo movie

Dennis  

SEEN: Nag-iyakan ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo nang ibigay ng Guinness World Records sa Felix Manalo ang world records ng largest attendance at a film screening at largest attendance at a film premiere sa world premiere ng pelikula sa Philippine Arena noong Linggo.

SCENE: Napaluha ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo nang ipagdasal nila si Felix Manalo pagkatapos ng screening ng filmbio ng First Executive Minister ng kanilang simbahan. Ang INC spokesperson na si Edwil Zaballa ang namuno sa emosyonal na pagdarasal.

SEEN: Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw ang pamagat ng theme song ng Felix Manalo na inawit ni Sarah Geronimo. Si Louie Ocampo ang arranger ng Felix Manalo theme song.

SCENE: Para-paraan lang dahil naisingit ni Isabelle Daza na ang damit na ginamit ng kanyang nanay na si Gloria Diaz sa 1994 Miss Universe na idinaos sa Pilipinas ang suot niya at si Paul Cabral ang gumawa ng Filipino Barong Tagalog ni Richard Gutierrez.

SEEN: Sina Isabelle Daza at Richard Gutierrez ang program hosts sa world premiere ng Felix Manalo.

SCENE: Ang mga forgotten beauty queen ng Bb. Pilipinas ang cover girls ng October 2015 issue ng FHM. Sila ay sina Cindy Miranda, Queenie Rehman, at Danielle Castano.

SEEN: Ang pasasalamat ni Cherie Gil sa GMA 7 dahil naging bahagi siya ng The Half Sisters. Short but sweet ang mensahe ni Cherie para sa Kapuso Network.

SCENE: Maayos na sana ang airconditioning system ng KIA Theater para maging kompor­table ang mga manonood ng 10th anniversary concert ni Sam Milby sa November 28.

Show comments