Kim at Xian unlimited nang mapapanood

MANILA, Philippines – Ang pinakahihintay na movie made for mobile, ay mapapanood na simula August 31! Sa unang handog ng Starflix, ang pagsasanib ng ABS-CBNmobile at Star Cinema na Must Date The Playboy, mapapanood nang muli ang blockbuster tandem nina Direk Mae Cruz, Kim Chiu, Xian Lim, at sasamahan pa ng nagbabalik pelikula na si Jessy Mendiola, at Matt Evans on iWant TV!

Ito ay hango sa isang popular na nobela sa Wattpad series na may parehong pamagat. May apat na bahagi itong movie series na aabangan bawat Lunes sa iWant TV app ng ABS-CBNmobile.

Nagbabalik din si Jessy na medyo matagal na ang huling movie. Ito ang u­nang attempt niya sa pagiging kontrabida kaya refreshing role ito para sa kanya.

Show comments