^

PSN Showbiz

On the Wings nina James at Nadine patuloy ang pag-angat

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Sa rami ng bashers ng JaDine nina James Reid at Nadine Lustre, nakapagtatakang pi­na­no­nood pa rin ang serye nilang On The Wings of Love. At lalo itong umaangat isa lamang ang ibig sabihin nito, walang pakia­lam ang manonood kung may iba man silang relas­yon o wala. Ang im­­portante, maganda ang pa­labas nila kaya sila pina­nonood pero mali naman kung isa sa kanila ay maging very demons­trative o showy na ipangalandakan kung may kasama silang iba.

Kawalan naman ito ng respeto sa love­team nila. Hindi naman sila pinagbabawalang mag­karo’n ng lovelife, pero the least na magagawa nila ay igalang ang partnership nila.

Alden Richards inaalok ng P1-M para lang mag-concert

P1-M pala ang tatanggaping talent fee ni Alden Richards kapag natuloy ang concert niya sa The Big Dome. Ang laki nito at may aalma na naman dito dahil hindi naman kilalang singer ang Kapuso actor.

At tatlu-tatlong producer ang nag-aagawan para makuha siya. Pero kaya bang punuin ni Alden ang Smart Araneta Coliseum? Makakasali ba sa concert si Yaya Dub?

Richard mas tagumpay sa sports

Sinusuwerte si Goma (Richard Gomez). Makatapos ang malaking box-office movie na The Love Affair, nakasungkit naman siya ng gold medal sa sinalihan niyang Asian Master’s Fencing Championship na ginanap kamakailan sa Pasig City.

Congrats, Goma. Sa sports ka na lang muna, tama na ang pulitika, ‘di ka suwerte riyan.

Tickets sa concert nina Claire, Imelda, at Eva nagkakaubusan na

Nakasisiguro na si Claire dela Fuente ng isang matagumpay na concert sa pamamagitan ng The Legendary Jukebox Queens in Concert na tinatampukan nila nina Imelda Papin at Eva Eugenio. Isa siya sa producer ng nasabing palabas.

Ngayon pa lamang ay marami na ang naghahanap ng tiket na mabilis ang pagkaubos. Magaganap ito ngayong gabi sa Newport Performing Arts Theater ng Resort World Manila. Guest niya ang 15 taong gulang na si Lenard Antonio Santos at nakapag-front act na sa Air Supply at Stylistics.

ACIRC

AIR SUPPLY

ALDEN RICHARDS

ANG

ASIAN MASTER

BIG DOME

EVA EUGENIO

FENCING CHAMPIONSHIP

GOMA

NBSP

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with