^

PSN Showbiz

Boto ang mga pami-pamilya mag-ex na aktor at singer-actress nagkaayos na uli

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nu’ng kanilang kabataan ay nagkaroon ng relasyon ang isang aktor at ang isang singer-actress. Hindi na masasabing puppy love ang kanilang pinagsaluhan dahil mga teenager na sila nu’n.

Palagi silang nagkikita-nagkakasama sa isang pangkabataang programa. Nagkaroon sila ng mga tagahanga, nagbuo pa nga ng fans club nila ang mga ito, pero nauwi rin sa paghihiwalay ang lahat.

Ang singer-actress ay nakarelasyon ng isa pang aktor, ang male personality naman ay naging karelasyon nu’n ng isang sikat na young actress, nagkatuluyan sila.

Hindi nagtagal ang relasyon ng singer-actress at ng aktor, nakapangasawa ng iba ang lalaking personalidad, nangibang-bansa naman ang singer-actress.

Pagkalipas nang maraming taon ay muling nagtagpo ang aktor at ang singer-actress. Maraming-marami nang naganap sa kanilang buhay. Ang aktor at ang nakatuluyan nitong aktres ay nagkahiwalay na, malalaki na ang kanilang mga anak ngayon, meron na ngang nag-aartista.

Ang singer-actress ay bumalik sa bansa na meron na ring anak, Pinoy ang ama ng bagets, pero matagal nang tapos ang kanilang relasyon.

Ang sabi ay mas matamis daw ang pag-ibig sa ikalawang pagkakataon. At hindi raw namamatay ang unang pag-ibig. ‘Yun ang nagtatali sa kanilang dalawa ngayon.

Madalas silang makitang magkasama, boto ang magkabilang pamilya sa kanilang relasyon, kaya kung walang magbabago sa mga nangyayari ngayon ay malaki ang posibilidad na magkaroon ng pangalawang yugto ang kanilang pagmamahalan.

Guwapo pa rin ang aktor sa kabila ng kanyang pagkakaedad. Maganda pa rin ang singer-actress, lalo pa nga siyang gumanda ngayon, sa kabila ng mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.

Sabi ng aming source, “Kahit kailan, hindi natin makakalimutan ang tamis ng unang halik.”

Ubos!

Maine pinaghihinalaan na ng fans na bumigay na talaga kay Alden

Wala na talagang makapipigil pa sa pagkahibang ng ating mga kababayan sa epidemyang hatid ng tambalang AlDub. Bahagi na ngayon ng buhay ng ating mga kapwa Pinoy ang pagtutok sa kanilang kalyeserye sa Eat Bulaga.

Magpalitan lang ng makahulugang kanta sina Alden Richards at Maine Mendoza sa pamamagitan ng dubsmash ay para nang kinikiliti ang kanilang mga tagahanga. Puro kaligayahan ang ibinibigay ng AlDub sa ating mga kababayan.

Bumiyahe na sa maraming bansa ang kanilang loveteam, maraming kaibigan namin sa Canada ang nagtatanungan kung magkakatuluyan kaya ang dalawa, napapansin daw kasi nila na parang may lihim nang pagtitinginan ngayon sina Alden at Maine.

Komento pa ng isang kaibigan naming nagtatrabaho sa Belgium, “I can sense something different now. Parang nako-conscious na si Maine, parang tinatablan na siya kay Alden. Parang she’s more conscious on how she looks now, unlike before na wala siyang pakialam sa itsura niya.

“May kutob na kami ng mga officemates ko na mangyayari ang ganito. Kahit pa may distance between them, mangyayari ang mangyayari, sabi nga ni Lola Nidora (karaker ni Wally Bayola). Feel na feel na namin ‘yun ngayon,” komento pa ni kaibigang Arlene Andes.

Malakas ang AlDub, napakalakas din ng panghila nina Jose Manalo at Wally, idagdag pa si Paolo Ballesteros na gumaganap na ring si Lola Tidora ngayon na kakambal ni Lola Nidora.

Haaay!!! Nasa finish line na ang Eat Bulaga, kumakaripas pa sa kahahabol ang kanilang kalabang programa, milya-milya na ang agwat ng kanilang rating kaya hindi na malaman ngayon ng kalaban ng Eat Bulaga kung ano’ng gimik ang kanilang gagawin.

vuukle comment

ACIRC

ACTRESS

ALIGN

ANG

EAT BULAGA

KANILANG

LEFT

MGA

NGAYON

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with