Jessica Sanchez balik-‘Pinas para sa concert

Babalik pala ng bansa ang American Idol sensation na si Jessica Sanchez para sa isang concert sa City of Dreams sa Linggo, August 9. Pagkakataon na ito ng mga Pinoy na makitang muli ang Fil-Am na naging pinakamalapit sa puso natin dahil sa kanyang kabaitan at kababaang loob.

JOey at Kris magkaaway pa rin?!

Tama ba ‘yung narinig ko na gusto ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista na makasama sa movie nila ni Kris Aquino si “Tsong” Joey Marquez? Okay naman ba kay Kris? Kung walang problema, then go right ahead.

Baka nga maging mas masaya ang movie. Pero kung hindi, eh huwag na niyang ipilit at baka magkaproblema lang sila. Baka naman hindi pa bati ang dalawa. Alamin kaya muna niya?

Jillian dapat munang i-enjoy ang pagiging bata

Akalain mo, ang child star na si Jillian Ward ay hinahanapan na ng ka-tandem? Bakit, ilang taon na ba siya? Parang kailan lang eh ang liit-liit niya, ngayon kapareha na ang kailagan niya. Aba, eh huwag niyong madaliin ang pagdadalaga niya. Baka kung kailan siya dalaga na at saka siya mawalan ng gana. Let her enjoy her youth.

Show comments