^

PSN Showbiz

Pacman tuloy ang ensayo kahit kuwaresma! Sarah nakabasyon sa isla! Anak ni Gary V. nagpakasal uli

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang Balesin island vacation ni Sarah Geronimo kasama ang mga kaibigan na botong-boto sa kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

SCENE: Big news ang pagbabalik ni Megan Young sa GMA 7 dahil sa kanyang international beauty title, ang Miss World 2013.

SEEN: Si Carlene Ocampo at ang kanyang second child sa isang Quezon City mall noong Martes. Hindi pa bumabalik ang sexy body ni Carlene mula nang magsilang siya ng kanyang third baby. Si Carlene ang nanay ng panganay ni Dennis Trillo.

SCENE: Ang mga pelikula nina Vilma Santos at Nora Aunor ang mapapanood ngayong gabi sa ABS-CBN, ang Ekstra at ang restored version ng Himala, respectively.

SEEN: Muling nagpakasal sa Boracay island sina Gab Valenciano at Tricia Centenera noong Holy Tuesday. Unang ikinasal ang dalawa sa Tagaytay Highlands noong March 27.

SCENE: Dumami ang mga TV guesting ni Winwyn Marquez dahil sa pagsali niya sa Bb. Pilipinas 2015. Hinihikayat si Winwyn na ulitin ang pagsali sa Bb. Pilipinas sa 2016.

SEEN: Hindi uso kay Manny Pacquiao ang Semana Santa dahil walang pahinga ang kanyang boxing training para sa nalalapit na laban nila ni Floyd Mayweather Jr.

SCENE:  Tuluyan nang nagpabaya sa katawan ang dating sexy star na si Aleck Bovick na nanay na nanay na ang itsura sa mga eksena niya sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Magkasing-katawan na sina Aleck at Karla Estrada na masusuwerte dahil magaganda  pa rin ang kanilang mga mukha.

vuukle comment

ALECK BOVICK

ANG

ANG BALESIN

DENNIS TRILLO

FLOYD MAYWEATHER JR.

GAB VALENCIANO

HOLY TUESDAY

KARLA ESTRADA

MATTEO GUIDICELLI

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with