^

PSN Showbiz

Lani Misalucha, nagsuka pagkakanta sa Showtime

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Si Lani Misalucha sa guesting niya sa It’s Showtime kahapon para sa promo ng Ultimate, ang two-night Valentine concert nila nina Martin Nievera, Regine Velasquez-Alcasid at Gary Valenciano sa MOA Area sa February 13 and 14.

Bigay na bigay si Lani sa pagkanta kahit ang totoo, may sakit siya.

Sinusumpong ng acid reflux si Lani at pagkatapos niyang mag-rehearse kahapon, nagsuka pa siya, pero noong isalang na siya para sa spot number niya sa It’s Showtime, okay na okay ang dating niya at parang walang sakit.

Very professional nga si Lani na tinitiis ang acid reflux para makapag-promote ng Ultimate.

Lovi at Rocco ia-advance na ang Valentine celebration

Hindi magkasama sa Valentine’s day ang mag-sweethearts na sina Lovi Poe at Rocco Nacino.

First Valentine ito nina Lovi at Rocco, pero hindi apektado ang dalaga kahit hindi sila magkasama ng boyfriend niya sa araw na ‘yon dahil bukas naman, pupunta na sila ng Baguio City para magkaroon ng advance celebration.

Sa Baguio City na rin nila ise-celebrate ng advance ang birthday ni Lovi. Sa February 11 ang birthday ni Lovi at wala siyang balak na magkaroon ng party.

Bale ang pinaghahandaan ni Lovi ay ang pagpunta nila sa Balesin Island para sa kasal ng kaibigan niyang si Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa February 15. Dahil ilan lang ang imbitado sa kasalan, hindi na kasama sa Balesin si Rocco. Sa Manila reception na lang a-attend na magkasama sina Lovi at Rocco.

Samantala, sa Sabado, ipapalabas sa Magpakailanman ng GMA-7 ang episode na tine-tape ngayon ni Lovi kung saan ay isang female firefighter ang role niya.

AiAi hinahanap na ng fans

Wala pa ring regular TV show sa ABS-CBN si AiAi delas Alas.

Maraming fans ang nagre-request na muling mapanood ng regular sa Kapamilya network si AiAi.

Sa ngayon, isang linggong mapapanod si AiAi sa It’s Showtime bilang hurado at nagsimula siya roon noong Lunes.

ASAP magkakaroon ng engrandeng 20th anniversary celebration

Twenty years na ang ASAP.

May big anniversary celebration sila sa February 22 sa SM MOA Arena.

Kahapon, nagkaroon ng team building somewhere in San Mateo, Rizal ang cast and staff ng Sunday musical variety show ng ABS-CBN.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BALESIN ISLAND

CHIZ ESCUDERO

FIRST VALENTINE

GARY VALENCIANO

HEART EVANGELISTA

LANI

LOVI

ROCCO

SHOWTIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with