Magkapatid na diabolo duo tinanghal na first ‘Pinasikat’ grand champion
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinangalanang kauna-unahang grand champion ng PINASikat ang brother duo na Spyros para sa kanilang nakakabilib at makapigil-hiningang performance gamit ang diabolo o Chinese yoyo sa grand finals ng talent competition sa Ynares Center noong Sabado (Ene­ro 24).

Wagi ng P1 milyon at house and lot mula sa Camella ang magkapatid na Marc at Marco Betito, parehong college students, na lumaki sa New York at ngayo’y nasa Pilipinas na para mas lalo pang makilala ang kanilang kultura at ibahagi ang kanilang talento.

Ang performance nila ang tanging nakakuha ng standing ovation sa lahat ng mga hurado na kinabibilangan nina Zsa Zsa Padilla, Iza Calzado, Sunshine Cruz, Epy Quizon, Nikki Valdez, Myrtle Sarrosa, Bayani Agbayani, Pooh, Arjo Atayde, Meg Imperial, Matt Evans, Abra, Jimmy Bondoc, Bangs Garcia, Arron Villaflor, Dominic Ochoa, Assunta de Rossi, Gino Padilla, Precious Lara Quigaman, at ang resident hurado at host na si Jhong Hilario.

Maging ang madlang people ay humanga sa performance ng magkapatid dahil sa kanilang pagpapasahan ng diabolo at iba pang nakakamanghang tricks gamit ito, kaya naman perfect 10 na ang ibinigay sa kanilang score ng lahat ng nanood sa Ynares Center.

Tinalo ng Spyros ang 15 pang grand finalists mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas.

Talaga namang tinutukan ng buong bansa ang huling showdown ng ­PINASikat finalists dahil nakapagtala ang programa ng national TV rating na 18.4% base sa datos ng Kantar Media.

Ibinalik naman nila ang patok na segment na Kalokalike na ngayo’y nasa  Face 3 na nito. Para sa mga may kamukhang local o foreign man na artista, singer, dancer, atleta, o sinumang sikat na gustong mag-audition, pumunta lang sa ABS-CBN Audience Entrance sa Quezon City mula Lunes hanggang Bi­yernes, 3-5PM, magdala ng valid ID, at hanapin lang si Bing Ramos o Danjosh Zacarias. Maaari ring mag-email ng litrato o video sa kalokalike.itsshowtime@gmail.com kasama ang pangalan at contact details.

ARJO ATAYDE ARRON VILLAFLOR AUDIENCE ENTRANCE BANGS GARCIA BAYANI AGBAYANI BING RAMOS DANJOSH ZACARIAS DOMINIC OCHOA YNARES CENTER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with