^

PSN Showbiz

Jinkee hindi sanay na magpaka-simple, mga mamahaling gamit idini-display na naman?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkaroon ng premiere night sa TCL Chinese Theaters sa Hollywood Boulevard ang documentary movie ni Manny Pacquio na Manny The Movie.

At nalaman ‘yun dahil sa misis ng boksingero na si Sarangani Vice Gov. Jinkee Pacquiao na panay ang post ng kanyang OOTD (outfit of the day).

Naka-Valentino dress, bag and shoes si Mrs. Pacquiao kaya naman talagang hangang-hanga sa kanya ang followers niya.

At hindi lang ordinary caption ang inilalagay niya sa bawat post niya kundi Bible verses, prayers inspi­ring words and pasa­salamat sa Diyos.

Pero bago mo tingnan ang caption, hindi mo talaga palalampa­sing titigan ang OOTD dahil maglalaway ka talaga sa mga gamit dahil alam mo kung gaano ka-expensive na kung tutuusin naman ay walang masama dahil boxing champion naman si Pacman. ‘Yun nga lang, fresh pa sa utak ng tao ang sinabi ni Pope Francis.

Anyway, dahil din sa nasabing pelikula ay kabi-kabila ang guestings ni Manny sa TV shows sa LA.

Mark Bautista babalik na sa ABS-CBN?!

Dumating na kagabi sa bansa si Mark Bautista. Ilang buwan din siyang namalagi sa London para sa musical play na Here Lies Love. Gumanap siyang Ferdinand Marcos sa naturang musical play at mara­ming pumuri sa kanyang portrayal sa character ng dating presidente ng bansa na pinatalsik sa puwesto.

Maging ang singer na si Kylie Minogue ay napabilib sa performance nila sa Here Lies Love.

Nanalo rin ito sa 60th Evening Standard Theatre Awards.

Wala pang may idea kung saang network na mapapanood si Mark dahil nang umalis siya pa-London wala naman siyang kontrata sa GMA 7. Actually, may nagsabi na noon na hindi na ne-renew ng GMA ang kontrata ng singer.

Bumalik na lang kaya siya sa ABS-CBN o aalukin siya ng bagong kontrata ng GMA?

Ang definite ayon sa kampo ni Mark, kasama ito sa musical play na hindi pa raw puwedeng banggitin ang title.

Mga nag-cover ng papal visit, kapuri-puri

Kung patuloy na pinasalamatan ng publiko ang Santo Papa para sa malasakit, deserving din na pasalamatan para sa sipag at dedikasyon ang mga miyembro ng media dahil sa kakaiba nilang effort na ihatid sa sambayanan ang lahat ng mga kaganapan sa pagbisita sa bansa ni Pope Francis.

Mahusay ang pagkakabalita ng mga reporter ng ABS-CBN tulad nina Willard Cheng, Henry Omaga-Diaz, at Alvin Elchico na hindi man sila nagbabad naihatid naman nila ang mga impormasyong kaila­ngan ng manonood.

Waterproof din ika nga ang kanilang hangaring maglingkod dahil ininda nila ang panahon tulad ni Ted Failon na suot ang kanyang kapote ay nagbabalita pa rin live sa Palo, Leyte at Pinky Webb na basa na at lahat ay todo report pa rin sa Tacloban airport.

Ganundin si Jessica Soho ng GMA-7 na nag-report din galing Tacloban.

Maging ang TV5 ay hindi nagpahuli sa pangu­nguna ni Ms. Luchi Cruz-Valdez.

Ang maganda lang talaga sa coverage nila, puro pari ang inimbita nilang mag-a-analyze. Kaya naman bawat anggulo ay malinaw ang mga paliwanag.

Hindi rin nila ginawang priority ang mga comment ng netizens na karaniwang ginagamit ngayon ng karamihan na gustong magpapansin.

Marian nag-iba ang hitsura sa bagong hair style

Nagbago ng hair style ni Marian Rivera-Dantes pagdating niya ng bansa galing sa Honeymoon nila ng mister na si Dingdong Dantes sa Europe.

Mas pinaiksi niya at may bangs. Ipinakita lang ito sa kanyang mga Instagram post.  Pero wala pang ibinabalita si Marian kung anong susunod n­iyang project though may mga usap-usapan na before the end of the month, mag-uumpisa na itong mag-taping ng bago niyang show sa GMA-7.

                             

vuukle comment

ALVIN ELCHICO

CHINESE THEATERS

DAHIL

DINGDONG DANTES

HERE LIES LOVE

MARK BAUTISTA

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with