Julia puring-puri sa acting, papalitan na raw si Bea Alonzo
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2015 - 12:00am

Parehong 100 percent ang rating nina Gerald Anderson at JC de Vera kay Julia Montes na kapareha nila sa Star Cine­ma movie na Halik sa Hangin na showing sa January 28. Sa shooting ng movie, nakita nila ang dedication, passion, at pagi­ging hard working ng aktres na kahit paulit-ulit ang eksena, walang reklamo at 100 percent na ibinibigay ang effort na naka-smile.

Pati si director Manny Palo puring-puri si Julia at ikinuwentong sa meeting pa lang, ang aktres na ang naisip na gumanap sa role ni Mia dahil kahit she exudes innocence, puwede ring maging daring.

Noon lang narinig ni Julia ang magagandang sina­bi ng director at nina Gerald at JC. Lalo pang natuwa ang aktres sa sinasabing siya ang next Bea Alonzo.

“Grabe, kulang na lang tumalon ako sa tuwa. Thank you! Super blessed ako para masabihan ng ganu’n. Hindi ko ini-expect dahil gusto ko lang magtrabaho at makatulong. Nakakatuwa, parang birthday ko,” sabi ni Julia.

Bakasyon ni Eugene mauudlot sa ‘Chemistry’ nina Kris at Derek

Chemistry na ang working title ng movie nina Kris Aquino at Derek Ramsay na dati ay Maybe, to be co-produced by Regal Entertainment, KCAP ni Kris, Quantum Films ni Atty. Joji Alonso, at Star Cinema.

Sa May ang target shooting ng movie at late September ang playdate. Si Chris Martinez ang susulat ng script at magdidirek ng pelikula kung saan kasama sa cast si Eugene Domingo sa isang mala-Whoopi Goldberg role sa Ghost.

Hindi pa napipili ang gaganap sa role ng unang asawa ng respective cha­racters nina Derek at Kris.

Hindi rin matutuloy ang semi-vacation ni Eugene sa paggawa ng pelikula dahil sa Kris-Derek movie.

English Only, Please P150 m na ang kita, samantalang wala pang P20 M ang puhunan

Pinalakpakan at kinongratulate si Atty. Joji Alonso ng press people nang dumating ang lady producer sa presscon ng M (Mother’s Maiden Name) dahil sa box-office success ng English Only, Please na co-produced ng kanyang Quantum Films na producer ng M.

Sabi ni Atty. Joji, by tomorrow, Sa­tur­day, aabot sa P150-M ang gross ng EOP na less than P20M ang production cost. May bonus sina Derek Ramsay, Jennylyn Mercado at ang ibang cast, pero ayaw sabihin ni Atty. Joji kung magkano. Basta dito lang siya mag­bibigay ng malaking bonus sa cast ng movie niya.

Matutuwa ang nagre-request ng international screening ng EOP dahil may US screening ang movie sa February, may distributor na pumik-up sa movie. May screening din sa Taiwan, Hongkong Singapore, Korea, at susunod sa Dubai at London. Baka madag­dagan pa ito, kaya abang-abang lang.

Ang bilang ni Atty. Joji, 30 times na niyang pinanood ang EOP dahil gustong marinig ang reaction ng tao. Nakikita niyang tuwang-tuwa ang mga tao sa mga eksena at ayaw umalis kahit ending na at inaabangan ang bloopers. Parang lumulutang ang pa­­kiram­dam niya sa nakikitang reaction.

Malaking tulong sa movie ang pananalo ng ma­raming awards, nag-pick up ito after the awards night. Natutuwa siya na masaya ang in­die world sa EOP, breakthrough ito sa small movie at napatunayang kahit walang network backing, puwedeng maging successful ang pelikula.      

Kaya lang, matatagalan ang sequel ng EOP dahil sa 2016 pa ito ipalalabas dahil paghahandaan ng husto. The same team pa rin ang hahawak at 90 percent na sa abroad ang location at tila naisip na nina Atty. Joji kung paano tatakbo ang story.

Samantala, showing sa January 21 ang M sa 25 cinemas kasama ang Ayala cinemas at showing din sa Davao at Cebu. Bida rito si Zsa Zsa Padilla kasama sina Nico Antonio, Sue Prado, Dennis Padilla, at Gloria Sevilla, written and directed by Zig Dulay.

Renz aamin na sa totoong relasyon kay LJ?!

May interview kay Renz Fernandez sa Startalk bukas, Sabado at siguradong isa sa mga itatanong sa aktor ay ang isyu sa kanila ni LJ Reyes. Nali-link ang dalawa na magkasama sa Yagit, pero hindi sa Afternoon Prime ng GMA-7 namin unang napansin na magiliw si Renz sa aktres.

Una namin itong napansin nang magkasama sila sa Prinsesa ng Buhay Ko, pero itinanggi ito dati ni Renz. Nang muli silang magkasama sa Yagit, marami ang nakapansin na special ang treatment nito kay LJ at natukso na naman sila. May nagsabi pa ngang, in-love si Renz kay LJ.

Sa guesting ni Renz sa Startalk, aminin na kaya nito na may special feelings nga siya kay LJ at baka hindi natin alam, nanliligaw na pala?

DAHIL DEREK RAMSAY ENGLISH ONLY JOJI JOJI ALONSO MOVIE RENZ SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with