^

PSN Showbiz

Robin ikinuwento ang pagseselos ni Mariel kay Vina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May mga nagsasabing nakaramdam daw ng selos si Mariel Rodriguez sa muling pagtatambal nina Robin Padilla at Vina Morales para sa pelikulang Bonifacio, Ang Unang Pangulo. Naging magkasintahan sina Vina at Robin noong dekada 90’s at ngayon lamang muli nagkatagpo pagkatapos magkaroon ng kanya-kanyang buhay pag-ibig. “Parang mahirap sabihing oo at sabihing hindi. Siyempre tao ‘yun at mahal na mahal ako nu’n, at mahal na mahal ko din naman siya. Pero siyempre sa mga usapin na ganito, nasa loob po tayo ng mundo ng entertainment. Nandito tayo para paligayahin natin ang mga tao na nalulungkot,” nakangiting pahayag ni Robin.

Kamakailan ay nagkulong diumano si Mariel sa loob ng kotse nang magpunta ang aktres sa shooting ng nasabing proyekto. “Rule naman namin ni Mariel ‘yun na kapag nandiyan ‘yung leading lady ko sa isang proyeto, hindi talaga siya bumababa, hindi siya nagpapakita,” pagtatapat ni Binoe.

Magkakilala raw sina Mariel at Vina ayon kay Robin ngunit hindi nabigyan ng pagkakataon upang maging malapit sa isa’t isa. “Sa shooting nga namin hindi siya nagpunta bagama’t siya ‘yung unang nagsabi na gusto niya si Vina Morales ang gumanap na asawa ko,”  pagtatapos ni Binoe.

Vice walang masabi sa pagiging ina ni Kris

Napahanga si Vice Ganda sa kaibigang si Kris Aquino sa pagiging ina nito sa mga anak na sina Josh at Bimby. Nasasaksihan daw ng komedyante kung gaano kadakila bilang isang ina ang Queen of All Media sa dalawang anak. “Isa lang ang na-realize ko, sabi ko, maraming puwedeng mag-judge kay Kris Aquino sa lahat ng napakaraming bagay pero walang puwedeng humusga na napatunayan ko tungkol sa pagiging ina mo,” mensahe ni Vice kay Kris sa The Buzz noong Linggo.

Magkasama ang komedyante at si Bimby sa pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Maraming mga bagay daw ang nadiskubre ni Vice tungkol sa bata dahil napadalas ang kanilang pagsasama dahil sa shooting. “Kasi hindi ko naman masyadong kilala si Bimby dati eh, bago kami mag-shooting ng Praybeyt Benjamin. Nakakasama ko lang siya paminsan-minsan sa bahay kapag kumakain, sa labas pero ‘yung araw-araw na mahabang oras, wala kaming ganoon ni Bimb. Tapos no’ng nakilala ko siya, sabi ko, ang bait naman nitong si Bimby,” pagbabahagi ni Vice. “Pamangkin ng presidente, anak ni Kris Aquino, pwedeng sabihin na salbahe itong bata, na spoiled, hindi. Pangkaraniwang bata, marunong makisama, marunong mango-po, marunong yumakap, hindi suplado. Kaya sabi ko, kung titingnan mo si Kris Aquino, maaaring sabihin natin na pinalaki mo ito sa luho at hindi mo tinuruan ng magandang asal pero dahil ang bait ng anak mo ibig sabihin, ang tama ng pagpapalaki, congratulations,” dagdag pa ni Vice. 

                                 Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN

ANG UNANG PANGULO

BIMBY

KRIS AQUINO

MARIEL

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with