^

PSN Showbiz

Lalamunan ni Vice Ganda bumubuti na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang dapat ipagalala ang mga tagahanga ni Vice Ganda dahil sa kanyang sakit sa lalamunan.

“Medyo umayos na yung hitsura ng larynx ko, nung throat ko,” pahayag ni Vice Ganda sa panayam ng isang showbiz news site.

Aniya, maaliwalas na ang pakiramdam ng kanyang lalamunan at hindi na ito puno ng plema.

"Pero nandoon pa rin yung polyps, e. Inaalam nila kung cyst siya o polyps,” anang komedyante.

Nauna nang inianunsyo ng komedyante na mawawala siya pansamantala sa “It’s Showtime.” Inihayag rin ni Vice Ganda na problema sa lalamunan ang dahilan nito.

Sinabihan na aniya siya ng kanyang doktor na dapat magpa-opera upang maipa-biopsy ang bukol sa kanyang lalamunan, ngunit ipinagpaliban muna niya ito dahil may mga obligasyon pa siya gaya ng paggawa ng "Praybeyt Benjamin 2" na kabilang sa mga official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Aniya, mapipilitan lamang siyang magpa-opera kapag hindi tumalab ang dalawang-linggong medikasyon niya para sa kanyang lalamunan.

Nagpapasalamat naman si Vice Ganda dahil mas maaga niyang nalaman ang bukol sa kanyang lalamunan at kaya pa itong agapan sakaling seryoso ito.

“Kung wala nga lang din akong masyadong maraming ginagawang trabaho, kung wala akong pelikula, tatapusin ko na ‘to lahat, e. Kaya lang, kailangan kong matapos ang Praybeyt Benjamin for the filmfest,” ani Vice Ganda.

vuukle comment

ANIYA

INAALAM

INIHAYAG

KANYANG

KAYA

LALAMUNAN

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PRAYBEYT BENJAMIN

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with