^

PSN Showbiz

Marian magko-concentrate muna sa preparasyon ng kasal, pahinga ng two weeks sa pagsayaw

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

In-announce ni Marian Rivera sa taping niya ng Marian last Friday na two weeks siyang mawawala sa kanyang dance show. Hindi siya magbakasyon, aasikasuhin lang ang mga bagay na may kinalaman sa kasal nila ni Dingdong Dantes sa December 30.

Nalungkot ang fans na for two weeks hindi siya ma­kikita, pero naiintindihan nila si Marian. Less than four months na lang bago ang kasal nila ni Dingdong, kaya pagbigyan n’yo na. Hanggang November pa naman ang Marian, ilang buwan pa ninyo siyang mapapanood sa show.

Hindi sinabi kung sino ang magpi-pinch-hit kay Ma­rian sa dance show niya habang wala siya. Ang hinihintay naman ngayon ng DongYan fans ay kung sino ang gagawa ng wedding gown ni Marian at kung sino ang gagawa ng suit ni Dingdong. Pati ang mga mapi­piling ninong at ninang ay hinihintay din ng fans.

Tiya Pusit Ice bucket challenge, P500 lang ang hinihinging donasyon

Totoo ba ang nabasa namin sa social media na may Tiya Pusit Ice Bucket Challenge at ang objective ay makaipon ng P1M para sa operasyon ni Tiya Pusit? Hindi dolyar, kundi P500 pesos ang hinihinging donasyon at sana marami ang sumali para maoperahan na ang komedyana.

Ang kaibahan ng Tiya Pusit Ice Bucket Challenge, sampu katao ang ino-nominate at  sana hindi lang taga-showbiz ang ma-no­minate para mas mabilis malikom ang P1M. Ipangalan daw ang donation sa anak ni Tiya Pusit na si Christian Uybengkee sa BPI at may savings account number 4239-0591-26.

 

vuukle comment

CHRISTIAN UYBENGKEE

DINGDONG DANTES

HANGGANG NOVEMBER

IPANGALAN

MARIAN RIVERA

NALUNGKOT

TIYA PUSIT

TIYA PUSIT ICE

TIYA PUSIT ICE BUCKET CHALLENGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with