^

PSN Showbiz

Lilet balik-akting na pero todo diet para pumayat

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagbabalik-showbiz na ang singer-actress na sumikat noong 1980’s na si Lilet. Matapos mag-guest sa The Singing Bee kamakailan ay makakasama si Lilet sa isang teleserye sa kauna-unahang pagkakataon.

Masayang-masaya ang aktres dahil makakasama niya sina Enrique Gil at Liza Soberano sa Forevermore. “Excited ako kasi first teleserye. Kung manood man ako ng teleserye, it has always been an ABS-CBN show. So, excited ako no’ng in-offer sa akin ang role na ito. Although it’s very different from how I really am. Sobrang kailangan ng acting skills para talagang ma-play ko ‘yung role,” bungad ni Lilet.

May pamilya na ngayon ang aktres at hindi niya inaasahang magkakaroon pa siya ng offer sa showbiz. “Nagulat na lang din ako kasi nag-open ‘yung doors. Nag-guest lang ako sa Singing Bee then biglang tinatawagan nila ako. ‘Would you like to try it out?’ Tapos sabi ko, sige try natin para something new,” kwento ng aktres.

Bilang paghahanda sa bagong proyekto ay nagda-diet na raw ngayon si Lilet upang mabawasan ang kanyang timbang. “Nanonood ako ngayon ng mga pwede kong reference na characters based sa character description na ibinigay nila sa akin. Saka I’m trying to slim down kasi kailangan sa role,” pagtatapos ni Lilet.

Kathryn hindi pinoproblema kung pinagkukumpara sila ni Nadine

Marami ang nagsasabing may pagkakahawig sina Kathryn Bernardo at ang babaeng bida sa pelikulang Talk Back and You’re Dead na si Nadine Lustre. Ayon kay Kathryn ay wala naman daw masama kung pinagkukumpara man sila ni Nadine. “Of course, ‘pag sinasabihan ka na may kamukha ka, ganyan, nakakatuwa naman kasi may ibang tao na nako-compare ka nila,” nakangiting pahayag ni Kathryn. “Wala namang issue sa akin ‘yon. Kasi ‘pag nakikita ko siya sa screen, very pretty naman siya, very charming. So wala namang problema,” dagdag pa niya.

Samantala, nagbigay na rin ng pahayag ang katambal ni Nadine na si James Reid tungkol sa tambalan nina Kathryn at Daniel Padilla. Kahit pinagtatapat ang dalawang tambalan ay aminado si James na hinahangaan niya sina Kathryn at Daniel. “Nakaka-flatter talaga ‘yung gano’n. Kasi kino-consider nila kami na isa sa mga gusto nila. Pressured din. Kami naman ni DJ, gusto ko rin naman na sa pag-arte o sa lahat ng mga ginagawa namin, maganda ‘yung nao-offer namin sa lahat. Good thing din, kasi may mga nai-inspire na ibang tao,” pahayag ni Kathryn.

Nakararanas daw ng online bashing si Nadine at ang pinaghihinalaang may kagagawan nito ay ang mga tagahanga diumano ni Kathryn at Daniel. “Feeling ko, ‘yung iba kasi nami-misinterpret nila ‘yung mga Kathniels na ‘Grabe, war freak,’ ganyan, pero hindi. Very caring lang talaga ‘yung mga Kathniels sa amin ni DJ. Wala rin silang gagawing iba kung walang nagsimula. Madali mo naman pakiusapan ‘yung mga Kathniels. Grabe lang talaga ‘yung suporta nila and nagpapasalamat talaga ako doon,” paliwanag ni Kathryn.           Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

KASI

KATHNIELS

KATHRYN

LILET

NADINE

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with