Actress na parang santa, hindi pala tinulungan ang tatay nang magkasakit

MANILA, Philippines - Ay plastikada pala talaga ang na-establish na reputation ng isang actress. Damang-dama raw  kasi ang pagiging insincere kahit bait-baitan ang image na pino-project nito.

“Paano siya magiging mabait eh hindi nga niya tinulungan ang tatay niya nang magkasakit. Tapos kung makaarte pag may camera, parang santa,” kuwento ng isang source na may karanasan sa pagiging plastikada ni actress recently lang.

“Naku pasasaan ba at mabubuko rin ang tunay na ugali niya,” dagdag ng source.

Pag may kaharap daw ito sobrang bait pero pag kamag-anak na ang kausap at hindi masyadong kilala, lumalabas ang kasamaan ng ugali.

Bisi-bisihan ang actress na ito sa kasalukuyan at pag titingnan mo talaga, ang bait niya ha ‘yun pala may sungay.

Nadine parating trending topic sa social media

Pinu-push ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) sina Nadine Lustre, Yassi Pressman and Shy Carlos.

In a way, nakakalamang na si Nadine sa mga kasabayan niya sa VAA dahil naging bida na siya sa blockbuster movie na Diary ng Panget (leading man si James Reid) na kumita ng more than P130 M at ngayon ay bida uli sa ipapalabas sa August 20 na Talk Back and You’re Dead (with James pa rin). Consistently, top trending topic din siya sa social media since ipalabas ang DNP.

Another adaptation ang Talk Back…  of a best-selling book. Like Diary, kilig-romance film din ito pero mas exciting daw ang twists and turns.

Nadine plays the character of Samanta na ang hate-love romance sa character ni James ay natapos sa very dramatic, bittersweet note.

Ayon kay Nadine mas marami siyang acting dito, makikita ang pagiging versatile actress niya.

On the music front, ire-release naman ang kanyang debut solo album na ang carrier single ay Paramdam and Bahala Na, Nadine’s new duet with James na follow up sa kanilang smash na No Erase from the Diary… movie soundtrack.

Bukod kay Nadine, all out din ang ginagawang pagbi-build up ng VAA kay Yassi na nakilala rin sa Diary ng Panget. And like Nadine, kasama rin siya sa Talk Back and You’re Dead. Ang 19 –year half  British plays the role  of the other girl na si Aubrey na eeksena kina James and Nadine pero hindi raw masyadong nega ang role niya.

Aside from Talk Back and You’re Dead, MTV VJ din siya on MTV Pinoy.

At wala sa kanyang tatalo sa sayawan. Kaya naman binansagan siyang Princess of the Dance Floor.

Kabilang din sa Viva’s Princesses at tinutukan nila ay si Shy Carlos. Madalas siyang tawaging young Anne Curtis dahil malaki talaga ang hawig niya sa isa sa mga reyna ng Viva. Actually, minsan na silang naging magkapatid ng kamukha niya – sa A Secret Affair – noong 2012.

Contract star na si Shy ng ABS-CBN at madalas na siyang mapanood sa mga teleserye sa Kapamilya Network at ngayon ay nasa Be Careful with my Heart si Shy bilang si Jony.

Ipinakilala siya sa showbiz bilang member ng Pop Girls kasama si Nadine. Siya rin ang pinakabagong VJ ng MTV Pinoy.

                                        

Show comments