^

PSN Showbiz

Gary V, magpapa-stem cell na rin, may problema sa tuhod

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nakatakdang sumailalim sa isang stem cell procedure si Gary Valenciano sa susunod na buwan. Gagawin ito ng singer dahil sa kondisyon ng kanyang mga tuhod. “Kasi medyo masakit na talaga siya. I have hardly any cartilage left. ‘Yung meniscus ko has multiple tears and it has been like this for years. So I’m going through a procedure na sana mag-regenerate ‘yung cartilage ko,” pagbabahagi ni Gary. Kailangang-kailangan na raw gawin ito ng singer upang maipagpatuloy pa ang kanyang mga ginagawang pagtatanghal. “I’ll give myself a little time na mawala ‘yung pain and then hataw na ulit. Kasi hindi ko talaga mapigilan ‘yung sarili ko eh. Even if sinasabi ko na sa sarili ko na, ‘Tama na, tama na.’ Hindi eh,” dagdag ng singer. Dito sa Pilipinas magpapagawa ng nasabing procedure si Mr. Pure Energy. “Matagal akong mawawala. Babalik ako siguro mga last week of August or maybe second week of September pa. when I come back in September, the first thing that I will do is this (stem cell treatment). So that I can prepare for the other things that I have to do for TFC (The Filipino Channel) kasi we’re still going around. I only need a short time to rest tapos pwede na ulit,” nakangiting pahayag ni Gary.

Kahapon ay nagdiwang na ng kanyang ika-50 kaarawan ang singer.

Piolo, gusto nang magka-GF ang anak kasabay niya

Binata na ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo at mag-18 years old na rin sa susunod na taon. Ngayon pa lamang ay nakararamdam na raw ng excitement ang aktor na muling magkaroon ng kasintahan. “Hindi lang excitement, I hope it happens soon. More than pressure, I’m excited. Okay ‘yun, it’s going to be fun. It’s fun to date and meet people I guess,” nakangiting bungad ni Piolo.

Nakikita raw ng aktor na nag-mature na ang kanyang anak pagdating sa pakikipagrelasyon niya. “Wala naman siyang choice eh. Alangan namang mag-pari ako ‘di ba? I want him to have a girlfriend too. He’s got to accept that. It’s inevitable, we got to have partners,” natatawang giit ni Piolo.

Matatandaang si KC Concepcion pa ang huling nakarelasyon ng aktor tatlong taon na ang nakararaan. Naugnay din sina Piolo at Shaina Magdayao kamakailan dahil madalas makitang magkasama kung saan-saan ang dalawa. Hindi raw nagbago ng standards si Piolo pagdating sa mga babae na gusto niyang maging kasintahan. “I’m still traditional when it comes to being with anyone. I guess for me what’s important is that you click, that you like each other, you respect each other, you have the same faith. So wala naman akong standard. ‘Yun lang, as long as we have the same faith and the same God, that’s all that matters,” paliwanag niya. Reports from JAMES C. CANTOS

             

vuukle comment

FILIPINO CHANNEL

GARY VALENCIANO

KASI

MR. PURE ENERGY

PIOLO

PIOLO PASCUAL

SHAINA MAGDAYAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with