^

PSN Showbiz

Joey pinuri ang ‘performance’ ni Paolo sa sex video

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Siguro naman, matutuwa si Paolo Bediones dahil positive ang mga opinyon ng Startalk hosts tungkol sa kanyang alleged sex video.

Natawa lang ako sa dialogue ni Papa Joey (de Leon) na mahusay raw ang performance ni Paolo at gifted ito sa alleged sex video na pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon. I’m sure, lalong dumami ang fans ni Paolo dahil sa mga feedback sa kumakalat tungkol sa video na pinagpipistahan ng bayan.

Mark bongga ang natanggap na birthday gift

Thirty one years-old na pala si Mark Bautista sa August 10 at perfect birthday gift ang pagkakapili sa kanya para gumanap na Ferdinand Marcos sa musical na Here Lies Love na ipalalabas sa London.

Goodbye Philippines na si Mark sa August 16 dahil ito ang araw ng paglipad niya sa London. Kailangan ni Mark na paghandaan ang role na gagampanan niya sa musical na tungkol sa buhay ni former First Lady Imelda Marcos.

Goodbye Sunday All Stars muna si Mark dahil matagal siya na mawawala.

Kinaya ang buwis-buhay na production, Ryzza sumablay sa lip-sync

Ang pole dancing ang bagong talent na ipinakita kahapon ni Ryzza Mae Dizon sa Eat Bulaga.

Sa tulong ng kanyang mga back up dancer, walang takot na nag-pole dancing si Ryzza Mae habang kinakanta niya ang Itaktak Mo.

Nairaos ni Ryzza Mae ang kiyeme-kiyemeng buwis-buhay production number, hitsurang hindi na bumubuka ang bibig niya kaya nabuking na lip-sync ang kanyang pagkanta.

BB sasabak sa 2 ½ Daddies

May bagong television show si BB Gandanghari sa TV5, ang 2 1/2 Daddies.

Nag-pictorial kahapon si BB para sa bagong programa ng Kapatid Network. Hindi pa sinasabi ni BB ang co-stars niya sa 2 ½ Daddies na hindi nalalayo sa Ang Dalawa at Kalahating Mrs. Real, ang spoof ng Tropa Mo Ko, Nice ‘Di Ba? sa top rating teleserye ng GMA 7. Si Mahal ang gumanap na kalahating Mrs. Real sa nakakaloka na spoof ng Tropa Mo Ko, Nice ‘Di Ba?

Ogie parang hindi tumatanda

Throwback Thursday ang title ng birthday concert ni Ogie Alcasid sa Music Museum sa August 28.

Sa pamagat pa lang, klarong-klaro na araw ng Huwebes ang concert ni Ogie na turning 47 sa August 27. Kabilang si Ogie sa listahan ng mga mapapalad na nilalang na habang nagkaka-edad, lalong bumabata ang hitsura. Malayong-malayo ang mukha ni Ogie sa bagets picture niya na ginamit sa poster ng Throwback Thursday.

With matching luha pa,babaeng kasama raw ni Paolo nagmakaawang tigilan na siya

Nainterbyu ng Startalk ang babae na China Roces ang name at pinagbibintangan na kapartner sa alleged sex video ni Paolo Bediones.

Pinabulaanan ni China na siya ang babae sa kontrobersyal na sex video. With matching tears, nakiusap si China na tigilan na ang pambu-bully sa kanya sa social media. Ang sabi ng mga nakapanood sa video, ibang-iba ang mukha ni China sa mystery girl sa alleged Paolo Bediones scandal.

Tanggap ko ang malinaw na explanation ni China. Isang bagay lang ang ikina-bother ko, ang kanyang name na China Roces na kasing-tunog ng Chino Roces Avenue. Screen name ba ang pangalan niya o ‘yun talaga ang kanyang name?

May mga sitsit naman na double M ang initials ng pangalan ng mystery girl na mapapanood sa video.

vuukle comment

CHINA ROCES

DI BA

MRS. REAL

OGIE

PAOLO BEDIONES

RYZZA MAE

THROWBACK THURSDAY

TROPA MO KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with